A/N:
Sana naman dumami pa ang readers nito.. huhuhu! PaVOTE na lang po at paCOMMENT. As usual, salamat sa dalawang tanging nag-aaksaya ng pagod para gumawa ng comment na sina: @mjvelasc0 and @MrsSuzy! Maraming salamat po.
_____________________________________
LD 23
MAHAL MO AKO?
"Hera, kumusta na pala kayo ni Lance?" Pag-iiba ni Tope ng topic.
Napalunok siya sa tanong ni Tope. Sasabihin ba niya ang totoo? Baka kung anong isipin nila kung hindi siya magsasabi ng totoo.
"Don't be shy. We know you moved-in to his house." Nakangiting sabi ni Zeon.
Hindi siya makapaniwala na marunong palang ngumiti ang isang ito. Kanina pa kasi nito sinisimangutan iyong mga nakikipagkilala dito. Pero mas hindi siya makapaniwala na may alam sila sa sitwasyon nila ni Lance.
"Oo nga. Tuwang-tuwa pa nga si Lance nang sabihin sa amin. Lokong iyon! Kaya pala ayaw kami papuntahin sa condo niya. Takot sa competition." Dagdag pa ni Tope.
"Ok lang kami. Ako muna ang bantay habang wala si Lance." Nahihiyang amin niya. Wala na siyang magaawa, alam na ng mga kaibigan nito eh.
"Boyfriend-Girlfriend?" Tanong ni Zeon sa pinakamatipid nitong paraan.
"Hindi. Wala pa kami sa ganoong stage. Hindi pa kami parehas ready." Mabilisang sagot niya kay Zeon.
"Really? Ayaw ka pa niyang itali?" Hindi makapaniwalang tanong ni Tope.
"Hindi pa. Pero hindi naman ibig sabihin ay magwawala na ako." Sagot naman niya na sumulyap sa dance floor at nakitang pinapalibutan na ng iba sina Yrish at Ethan.
Iniharap ni Zeon ang baba niya sa kanya. "What if you'll encounter someone like me?" Sabi nito na nakatitig sa kanyang mata.
'OMG! Si Zeon ba talaga ito?' Hindi makapaniwala siya sa inaasal nito. "Siguro iiwas ako?" Patanong niyang sagot at inilayo ng konti ang upuan niya.
"Hahaha!" Malakas na tawa ni Zeon. Napatingin naman siya. 'May topak ba ito?' Tanong sa utak niya na hindi naman niya kayang i-voice out.
Ginulo ni Zeon ang buhok niya matapos tumawa ng tumawa. Nakatingin lang siyang nawiwirduhan sa binata.
"Binibiro ka lang niya. Under iyan." Pang-aasar ni Tope nang mapansing naiilang siya.
"I don't mess-up with my friend's girl. I'm just testing your tolerance to my charms." Nakangiti pang sabi nito.
"Kasi naman, nakakabigla ka." Nahihiyang sabi niya.
"Besides, I love my wife and my kid Von. Sorry." Mayabang pang kibit ng balikat nito.
"Huwag mo kasing pinagtitripan si Hera." Saway ni Tope kay Zeon.
Hindi naman iyon inintindi ni Zeon. Bumaling lang ito sa kanya. "I like you for Lance." Nakangiting sabi pa ni Zeon at tinapik pa ang balikat niya.
"Ako din. Hindi ka madaling matukso." Dagdag na puri ni Tope.
Naputol ang usapan nila nang biglang dumating na sina Ethan at Yrish. Kapwa pawisan sa pagsasayaw. "Hi!" Bati ni Yrish sa dalawa.
"Yrish, mga kaibigan ko. Si Tope at syempre ito kilala mo na..." sabi niya.
"Zeon." Sabi ni Yrish na ngiting-ngiti kay Zeon.
"Zeon, Tope, this is Yrish my friend, and Ethan my brother." Pakilala pa niya.
Nagkamayan sila. Pero pagdating kay Yrish ay hindi nakipagkamay si Zeon. Tumango lang ito. Suplado talaga.

BINABASA MO ANG
Lustful Desires
RomanceSi Lance na diretso ang landas ng buhay ay makikilala si Hera na isang very complicated woman. Ano kayang mangyayari kapag nagtagpo ang landas ng isang sikretong pervert at isang lantad na pervert? This is Lance Lao's story after 2 years of "MY DEAD...