LD 49

7.4K 102 9
                                        

A/N:

Maraming salamat po sa lahat ng nagVOTE at nagCOMMENT. Salamat po kina: @MrsSuzy, @QuelaiDublas, @ukissmeful, @SummerFlinn, @simply_neri, at @mjvelasc0.

Pakilike po ang fb page ko: ANGELMELAY WATTPAD nasa facebook po iyan!

______________________________________________

LD 49

ANG PAGHAHARAP

Tatlong gabing hindi umuwi si Lance sa condo niya. Dito lang siya nanamalagi sa penthouse niya. Napansin na nga iyon ng kanyang Mama at Ate. Kaya buong pang-uunawa siyang kinausap ng mga ito. Hindi naman niya sinabi sa Mama niya an g problema, pero kay Sapphire, hindi siya nakatakas. Malakas kasi ang pakiramdam nito. Hindi naman siya nito pinagalitan, puro payo at pangunawa lang ang binigay sa kanya. Si Sapphire din ang nag-aasikaso sa kanya at sa penthouse niya dito sa rooftop. Samantalang si Miss Sophia naman ang namamahala muna ng kanyang mga talents.

Ganito naman ang pamilya niya. Puno sila ng pagmamahal at pangunawa sa isa't-isa. Wala sa kanilang mahabang tanungan. Kapag may problema ang isa, inuunawa nila at hinihintay na kusang mag-share ng problema. Pero kahit ganoon, alam niyang nag-aalala sa kanya ang mga ito.

Ngunit wala siyang magawa. Parang na-destruct na ng tuluyan ni Hera ang kanyang pagkatao. Wasak na wasak na siya! Wala man itong tigil ng katetext at katatawag sa kanya, but still hurting pa rin siya. Hindi rin siya nakakapasok. Ayaw niyang makita kahit anino ni Ethan sa baba. Pero hindi naman siya masamang tao para tanggalin ito sa trabaho.

Lance, are you ok?

Answer your phone, Baby.

Baby, we need to talk.

Pwede ba akong pumunta diyan sa building ninyo?

Lance, I'm so worried.

Iyan ang ilan sa mga messages ni Hera sa kanya. Ang iba ay binubura na nga lang niya ng hindi binabasa. God knows how much he wants to answer her calls & messages. Pero pinipigilan niya. Hindi niya kasi alam kung paano magrereact kapag nagkausap sila.

Buzz..

Buzz..

Kanina pa may buzzer ng buzzer sa penthouse niya dito sa building ng company. Halos naging bahay niya na nga ito ng mga nakaraang araw.

Buzz..

Buzz..

Tamad na tamad na binuksan niya ang pintuan. Nagulat man, pero hindi niya ipinahalata ng iluwa noon si Sarah. Nilapitan siya agad nito at niyakap. Pinabayaan niya lang kahit pa amoy alak siya. Ito kasi ang ginagawa niya. Ang uminom mula umaga hanggang sa makatulog.

Lustful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon