A/N:
Salamat po sa lahat ng nagvovote at nagcocomment. Strike vote & comment po.
______________________________________
LD 37
UNKNOWN FEELINGS
AFTER 2 WEEKS:
Bumalik na ulit sa normal ang buhay nila. Si Lance ay nagbalik na ng Cebu at every night na lang tumatawag kay Hera. Masyado kasing busy ang binata sa dami ng tv guestings ng kanyang mga bagong artista.
Si Ethan naman, nang malaman kung magkano ang nagastos sa kanya ni Lance ay nagvolunteer na sa LAO ENTERTAINMENT na magwork para makabayad. Magaling na magaling na si Ethan. Hindi naman siya sinisingil ni Lance, pero siya ang nagpumilit na 3/4s ng kanyang magiging sweldo ay ihuhulog niya kay Lance. Ipinasok si Ethan ni Lance sa main office ng L.E. dito sa Manila as male assistant secretary ni Miss Sophia. Nagustuhan naman ng Ina ng mga Lao kaya natanggap ito agad.
Si Hera naman ay kinukuha na rin ni Lance bilang dagdag na assistant nito, pero nagmatigas ang dalaga na manatili sa Hypermart. Ayaw niya kasing maging masyadong pala asa kay Lance. Napagkasunduan din nila ni Yrish na siya ang maghuhulog ng utang na 50,000 dito.
Everything is going smooth. Ang lahat nasa kaayusan. Lalo na't nakakuha na rin ng maliit na apartment si Ethan. Panatag na si Hera dahil hindi na ito tumutuloy kay Tatay Kim. Kaya lang, nagsimula ang bagong problema ang pagpapalipat sa kanya ni Ethan sa apartment nito.
Kasalukuyang nasa condo ni Lance si Hera at nagiimpake ng mga gamit. Kausap niya kanina pa si Lance kinukumbinsi na sasamahan niya muna si Ethan sa bago nitong bahay.
"Baby, sige na po. At least doon may kasama ako gabi-gabi kapag wala ka." Pagkumbinsi niya kay Lance. Nakaipit sa balikat ang fone sabay tupi ng tupi ng mga damit niya.
<"Hayyy! Sige na nga. Mukhang hindi na mababago ang decision mo."> Sabi sa kanya ni Lance sa malungkot na tono.
"Bayaan mo, Baby, kapag naandito ka sa Manila, dito ako uuwi sa Condo mo." Pagkumbinsi pa niya.
<"Alright! Promise mo na mag-iingat ka palagi ah.."> Bilin pa ni Lance.
"Oo nga po. Pangako po." Parang nakikinita-kinita niya ang pag-pupuppy eyes ni Lance sa kanya.
<"I miss you, Hera."> Madamdaming sabi nito sa kabilang line.
"I miss you din. Bye na at gagabihin ako masyado." Paalam niya.
<"Bye."> At ibinaba na ni Lance ang tawag.
Tinitigan muna ni Hera ang buong condo. Mamimiss niya ang condong ito. Isang buwan din siyang tumira dito. Para na nga siyang asawa na nag-aantay sa uwi ng mister sa condong ito. Pero tingin niya ay mas makakabuti na tumira kasama si Ethan. At least hindi masyadong malungkot sa gabi. Hindi tulad ng solo siya dito kapag wala si Lance.
**
Nag-unpack siya ng mga gamit sa bag. Naandito na siya sa maliit na apartment ni Ethan. May folding bed naman si Ethan kaya ang sabi ay siya daw sa kama at ito ang sa folding bed hihiga.
"Ok ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Ethan. Panay kasi ang buntong hininga niya kanina pa.
"Oo." Maikling sagot niya.
Tumabi sa kanya sa kama si Ethan. Umupo ito sa tabi niya. "Bakit may pakiramdam ako na ayaw mong magkasama tayo sa bahay?" Tanong nito sa kanya na sinisilip pa ang mukha niya.
Tumingin siya rito at hinawakan ang balikat nito. "Hindi ah. Namimiss ko lang condo ni Lance." Pagtatapat niya.
"Sabagay, ang sarap kasi ng buhay mo sa condo niya, hindi ba?" May himig pa ito ng pagtatampo.
![](https://img.wattpad.com/cover/8563451-288-k923251.jpg)
BINABASA MO ANG
Lustful Desires
Roman d'amourSi Lance na diretso ang landas ng buhay ay makikilala si Hera na isang very complicated woman. Ano kayang mangyayari kapag nagtagpo ang landas ng isang sikretong pervert at isang lantad na pervert? This is Lance Lao's story after 2 years of "MY DEAD...