A/N:
Salamat sa mga nagVOTE. Thank you sa mga nagCOMMENT na sina: @MrsSuzy, @mjvelasc0, @mimosweet at syempre sa lagi akong napapangiti na si @ukissmeful. Dear (ukissmeful) iyong kasama ko sa profile dito sa wattpad c Tope :). @mimosweet, binigyan niya (Tope) ako ng idea so pahahabain ko na lang para umikot ang story.
Please help me plug this story. Thank you!
__________________________________
LD 46
SUGAT
KINABUKASAN:
Puro sermon ang inabot ni Lance mula sa kanyang Mama na si Sophia Lao. Absent kasi siya for how many days dahil abala siya kay Hera. Si Hera ang dahilan kung bakit wala siya sa tamang hulog ngayon araw na ito. Hindi mawala sa isipan niya ang eksena kagabi.
Keep your enemies close to you. Iyan ang gagawin ngayon ni Lance. Inaya niya si Ethan na sumabay sa kanya at susunduin nila si Hera. After sunduin sa Hypermart ay magdidinner sila sa labas. Nakapasok na kasi si Ethan kanina sa work. And tulad ng inaasahan, sermon din ang inabot kay Miss Sophia.
"How was your day, Baby?" Bati agad ni Hera ng makasakay ito sa unahan ng kotse niya. Humalik pa ang dalaga sa pisngi niya.
Kitang-kita niya sa rearview mirror ang pained expression ni Ethan. Parang ang duda niya ay unti-unting nagkakaroon ng linaw. May something talaga sa dalawa!
Ngumiti siya sa sweetness ng dalaga. "Baby, napaka-sweet mo naman. Nakakahiya kay Ethan." Ang kunyaring sabi pa niya. Napalingon si Hera kay Ethan na nakaupo sa likod ng kotse niya. And dang! He saw it with his own eyes na natigilan ang dalawa at nagkatitigan.
"Ok lang iyan. Expected mo na ito, hindi ba Ethan?" Nakangiti pang sabi ni Hera habang sa unahan na nakatingin.
"A-ah oo naman." Ilang na ilang na sagot nito. Napatingin si Lance at nahuli niya kung paano magsalubong ang kilay ni Ethan.
Malapit lang ang napili niyang restaurant kaya madali lang silang nakarating. Agad siyang bumaba para pagbuksan ng pinto ng kotse si Hera. Si Ethan nga sana ang gagawa. Pero agad itong nagbigay ng sabihin niya ang, "Ako na." Hinawakan pa niya si Hera sa bewang habang papasok sila ng kainan. Nakasunod lang si Ethan sa likod.
Umupo si Hera sa tabi niya at sa tapat nito si Ethan. Speaking about awkward... This is very awkward situation. Wala sigurong gugustuhin na mapunta sa situation nila ngayon.
"Mabuti pa umorder na tayo." Nakangiting sabi niya. Hindi niya na kayang patagalin ang nakakabinging katahimikan at ang pagsulyap-sulyap ng dalawa.
"Oo. Para makauwi na tayo." Pilit naman ang ngiti na sabi ni Ethan.
Para tuloy gusto niyang bigyan ng lecture si Ethan sa lessong HOW TO PLASTER A FAKE SMILE 101. Kasi halatang-halata ang pagkailang dito. Same with Hera na pilit na pilit din ang mga ngiti.
Dumating ang order nila. 'This is it!' Bulong ng utak niya. He is going to use his operation pissing off kay Ethan. Siya ang nagvolunteer na magslice ng steak ni Hera. Kahit ayaw na sana ni Hera, pero ginawa pa rin niya. At kitang-kita niya ang nakakasawang palitan ng sulyap ng dalawa. Sino kayang gugustuhin to be in his shoes ngayon?
"Kumusta ang work, Ethan?" Tanong niya kay Ethan habang kumakain sila.
"Nasermonan ako ni Mam. Pero ok lang." Sagot nito na hindi makatingin sa mga mata niya. Talking about guilty. Hayys!
'Ok talaga! Kahit sermunan ka, nakahalik ka naman eh.' Gusto niya sanang isigaw sa mukha nito. But he just managed to say, "Pasensiya ka na kay Mama. Pero mabait naman iyon kapag wala kang gagawing ayaw niya." Gusto niya sanang idugsong na 'hindi tulad ko na galit na, nakakangiti pa!'
"Ay oo naman. Alam ko namang nagkamali ako eh." Sagot nito na sa plato naka focused. Napatingin siya kay Hera at nahuli niya itong nakatingin ng buong pag-aalala kay Ethan. 'Fck!' Mura niya sa utak niya.
"By the way, Baby, ikaw kumusta ang work mo? Hindi ka ba nahirapan dahil napuyat kita kagabi?" Talagang sinadya niyang sabihin iyon ng hindi ganoon kalinaw. Bahala na si Ethan kung anong isipin nito.
Napatingin muna ito kay Ethan at nahuli niya ang binatang binibigyan ng matalim na tingin si Hera. Pero ng humarap na si Hera sa kanya, he managed to smile.
"O-ok naman." Nabubulol na sagot nito.
"Alam mo ba Ethan, hindi ko alam kung saan nilalagay ni Baby ang kinakain niya. Napakaliit ng bewang nito. Kaya nga hindi ako makatulog sa gabi ng hindi ako nakahawak sa kanya." Parang isang balitang pinasabog niya sa harap nito.
Napainom naman ng halos isang basong tubig si Ethan ng marinig iyon. Si Hera naman ay binigyan siya ng questioning look. Pero as usual, fake smile ang sagot niya.
"Sexy naman talaga si Hera." Sagot nito na nakapagpapula sa dalaga.
'Sht!' Hindi siya ready sa baril sa kanya ni Ethan ah?! Pero para mapagtakpan ang inis, he managed to say, "I'm really lucky sa tuwing pinapaalala niya sa akin na her sexy body is for my eyes only." Double meaning na sagot niya.
May maanghang ba sa food? Uminom na naman kasi ng isang basong tubig si Ethan eh. Si Hera ay napatungo na lang at hindi na makatingin sa kanila.
"Here." At sinalinan pa niya ng tubig ang baso ni Ethan. Marami pa siyang pasabog. At gusto niyang sumabog din sa tubig ang tiyan ng binata.
BINABASA MO ANG
Lustful Desires
RomanceSi Lance na diretso ang landas ng buhay ay makikilala si Hera na isang very complicated woman. Ano kayang mangyayari kapag nagtagpo ang landas ng isang sikretong pervert at isang lantad na pervert? This is Lance Lao's story after 2 years of "MY DEAD...