LD 18

11.5K 165 10
                                    

A/N:

Salamat po sa lahat ng nagVOTE at nagCOMMENT. Thank you po!

______________________________________

LD 18

MEET SARAH LO & JOHN PAUL GARCIA

Busy as hell sa work si Lance. Three weeks siya dito sa Cebu para sa bago niyang talents. At nasa second day pa lang sila, pero miss na miss na niya si Hera. Magdamag silang nagtawagan kagabi. At dahil nakikitira sa kanya si Hera, naiwan ito sa Condo niya.

Naandito siya sa Cebu kasi nakapasok na rin sa company nila ang artistang si Sarah Lo. At ayon sa kanyang Mama ay siya na rin daw ang maghahandle ng career nito. Dati ay local actress lang si Sarah, pero ngayon ay nakiusap ito sa big boss ng LAO ENTERTAINMENT na si Ms. Sophia Lao, para ihandle ang kanyang career at makapasok internationally.

(A/N: Si Sarah Lo po ay una nating nabasa sa MY DEAD HEART (I.L.<3 Part 2), CHAPTER 38 na nasa external link ---->>> or http://a.wattpad.net/cover/5666689-256-k454810.jpg)

At ito ngayon ang kumakain sa oras ni Lance. Hindi madaling mag-launch ng isang artista internationally, lalo na't wala naman itong ibang talent maliban sa acting.

Sarah Lo is now 23 years old, single, sexy, beautiful, at famous local actress. Medyo matagal-tagal na rin siya sa industriya dito sa Pilipinas. Sumikat dahil sa magandang mukha at galing sa acting. Pero talo pa rin ito ng LAO ENTERTAINMENT Original Baby na si Zyrah del Fierro-Lee.

Nasa shooting sila dito sa Cebu kasama ang isa pang bagong artista ng LAO ENT., si John Paul, 23 years old na dating local artist din. Lumipat din ito sa company nila para maka-penetrate sa international scene. Dati silang magkasintahan ni Sarah. Hindi rin naman nagtagal dahil sa playgirl image ng dalaga.

"Lance, pwede bang painom?" Tanong ni Sarah na katabi niya sa kanan, habang si JP ay sa kaliwa niya nakupo. Kasalukuyang break sa shoot at nakaupo sila habang nagbabasa ng script ang dalawa ni JP at Sarah. Siya naman ay nagbabasa ng cellphone.

Lustful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon