LD 33

8.4K 114 7
                                        







A/N:



Salamat kina : @MrsSuzy ( sobrang sipag na comments to lift my spirit up), @SummerFlinn (nagdedicate na ako sa iyo), @Zeus, @Paul_Samboa, at @mimosweet (Wecome back! Hehe!)


Salamat din sa mga nagvote sa last chappy!



_________________________________




LD 33



BOYFRIEND MO?







KINABUKASAN:






"Binayaran ko na ang down payment sa hospital, Hera." Ang sabi ni Yrish sa kanya. 

Naandito sila sa bedside ni Ethan. Nakatingin sila sa kulay talong sa dami ng bugbog na binata. Ika-3 araw na ni Ethan dito, pero hindi pa rin ito nagigising. Ang sabi kasi ng Doctor ay may blood clot ito sa isang parte ng brain. Susubukan muna kung kayang tunawin ng gamot. Kapag hindi kinaya ay opera ang isusunod.





"Salamat, Yrish. Hindi ko alam kung kailan kita mababayaran, pero huwag kang mag-alala, huhulug-hulugan ko iyan." Sabi niya sabay hawak sa kamay ng matalik na kaibigan. Marami naman siyang trabaho. Bukod sa kahera sa Hypermart, foodserver din siya sa isang foodchain, at may raket pa siyang pagtututor sa bata.






"Hera, ano ka ba? Huwag kang mag-alala. Barya lang sa akin iyan. Halos one week ko lang budget iyan kapag nagpaparty. At least, ngayon I spent it for a good cause." Nakangiting sabi nito sa kanya at pinisil pa ang kanyang kamay.





"Salamat talaga."






"Psshh.. Sabi na ngang wala iyon eh. Kesa naman sunugin ko ang pera ko sa mga bars. Kasama ang mga kaibigan kong kapag sa kasayahan lang naandyan. Hindi tulad natin na through thick ang thin ay magkasama tayo."





Niyakap niya ng mahigpit si Yrish. Na-touch siya sa kabutihan nito. "Salamat, Yrish. Kung gusto mo, kahit magsilbi muna ako sa bahay ninyo." Sabi pa niya sa kaibigan. Gusto niya kasi talagang makabawi dito.






Hinaplos nito ang likod niya. "Magsisilbi ka sa amin? Gusto mo bang atakihin si Mommy?" At inilayo siya nito ng konti at ngumiti sa kanya.





"Oo nga pala. Galit nga pala sa akin ang Mommy mo. Kung bakit ba naman kasi naging mahirap pa ako." Malungkot na sabi niya sa dito.





"Hey! Walang dramahan... Cheer-up! Pasensya kana sa Mommy ko. Matapobre iyon eh. Pero hindi naman importante iyon hindi ba? Hindi naman siya ang kaibigan mo. Ako ang kaibigan mo." Nakangiti pa ring sabi nito.






"Oo na. Oo na. Pero salamat talaga! Babayaran din kita, basta. Kahit pakonti-konti, basta babayaran kita." Determinadong sabi pa ni Hera.





"Hera, nang malaman kong kailangan mo ng tulong, ako mismo ang nagvolunteer diba? So that means, kusang loob iyon. Kaya huwag kang mag-alala, I won't pressure you to pay me back. Pero para sa ikatatahimik ng pride mo, tatanggapin ko ang bayad mo."







"Salamat, Yrish! Maraming salamat! Salamat sa tulong mo sa akin."






"Gag@! Hindi naman ikaw ang tinulungan ko, si Ethan. Dahil gusto kong humaba pa ang buhay niya...." Bitin na sabi nito na medyo natatawa pa.






"Oo naman. Dapat talaga humaba pa ang buhay niya." Comment naman niya.





"He'll get over this, don't you worry. Mabubuhay pa ng mahaba si Ethan kasi mamahalin pa niya ako." Straight forward na sabi nito.






"Ha? Sabi ko na nga ba, you like Ethan eh." Napangisi na tuloy siya. Noon pa siya kinukutuban, pero ngayon, positive! Sure na talaga!




Lustful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon