LD 44

8.2K 118 6
                                    



A/N:

Hayy! Sobrang busy ni Tope ko. Naka-2 gig na siya as model. Minsan tuloy nagsisisi ako bakit pinasok ko pa siya at nirecommend as ramp model! Dami kayang girls dun? Charot lang!



Anyways, back to the story. Salamat sa mga nagVOTE at nagCOMMENT! Thank you po sa mga walang sawang comments nina : @Mrs Suzy, @mjvelasc0, @mimosweet, @SummerFlinn at @ukissmeful.




Ano na po guys? Kami-kami na lang ba ang magvovote dito at magcocomment?


______________________________________________



LD 44

GINUSTO KO





Nagpainit si Lance ng tubig habang hinihintay niya si Hera. Umupo muna siya sa maliit ng dining table na pangdalawahan lang at nag-isip. Hindi pa rin siya maka-getover kung tama ba ang desisyon niyang tinawagan niya si Hera? Tama bang ipaasikaso niya dito ang lalaking tingin niya ay may pagtingin dito? Pero hindi ba't may tiwala naman siya kay Hera?





'Tiwala lang, Lance. Tiwala.' Paulit-ulit niyang pineplay sa utak niya.






Nang kumulo na ang tubig ay wala pa rin si Hera. 'Siguro ay malapit na iyon.' Tanging nasabi niya sa isip niya.






Sinilip niya muna ulit si Ethan na nasa loob ng kwarto at tulog sa ibabaw ng kama. Hindi niya maiwasang hindi mainggit dito. Mabuti pa ito at nakasama si Hera mula pagkabata. Kung siya siguro iyon, malamang wala siya sa posisyon niya ngayon. Marahil hindi siya ganito ka-successful.






'Siguro ay biktima na ako ng teenage marriages.' Naiiling na sabi niya.






Lumabas muli siya sa maliit na sala ni Ethan. Napaka-kalat! Mga basyo ng lata! Mga platong nasa set. Honestly, kelan pa naging hapag kainan ang center table sa sala? Kaya naisipan niyang pulutin ang mga nagkalat ng lata at bote ng beer sa sahig.







DING DONG..







Binuksan niya ang pintuan. Nakangiting niyakap naman siya ni Hera. Naka-jacket lang ito na nakasara hanggang dibdib, tokong na shorts at wedge. Pagkatapos ay pinapasok na niya sa loob ng apartment si Hera.





"Kailangan ko ba talagang gawin ito?" Tanong nito sa kanya.





"Oo. Sige na. Para makauwi na tayo." Pilit ang ngiting pakiusap niya. Pero sa totoo lang, kahit siya hindi niya sigurado kung tama ba itong idea niya.





"Nasaan ba ang mokong na iyon?" Tanong nito sa kanya habang magkatulong silang inilalagay sa kitchen sink ang lahat ng hugasin sa salas.





"Nasa kwarto." Sabi niya. "Magdala tayo ng malamig na tubig at para mapunasan mo na." Dagdag pa niya.





"Fine. Pero huwag mo ng galawin iyang mga hugasin. Ako ang gagawa niyan." Bilin sa kanya ng dalaga.





Napangiti siya sa tono nitong dominante. "Yes, Baby!" At sumaludo pa siya kunyari. Ito naman talaga ang gusto niya. Ang may nagbibigay ng orders sa kanyang babae. Gusto niya ang feeling na dinodominate siya ng babaeng mahal niya.





Sinunod naman siya ni Hera. Tinungo na nito ang dati nilang kwarto ni Ethan. Sumunod lang siya sa may likod nito. Siya ang may dala ng planggana. Ibinaba niya ang planggana sa may paanan ni Hera. Umupo naman si Hera sa tabi ni Ethan.

Kinuha naman ni Hera ang face towel sa durabox na malapit sa kama. "Hay naku! Lasing ng lasing hindi naman kaya!" Inis pang reklamo ni Hera habang pinupunasan si Ethan.

Pinapanuod niya lang ang pagpupunas ni Hera ng malamig na tubig sa mukha at leeg ng binata. Napansin niyang natigilan si Hera ng bigla itong umungol. Marahil ay nadama ang pagdampi ng malamig na tuwalya sa mukha nito.

"Hera.. Hera.. I'm sorry.." Daing nito habang pabiling-biling pa ang ulo.

Lustful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon