LD 45

7.6K 112 7
                                    



A/N:


Naging pipi na ata ang ibang taga-comment dito. Anyways, thank you @MrsSuzy, @ukissmeful, at @mjvelasc0 sa comment ninyo.


Please VOTE & COMMENT naman po.



________________________________


LD 45


AWARD





Hinugasan na muna ni Lance ang mga plato. Hindi niya alam kung bakit parang iba talaga ang nararamdaman niya. Parang nagsisisi siya at pinapunta niya si Hera dito. At nang matapos ay sumilip siya muli sa kwarto ni Ethan. Gusto niyang magsisi kung bakit pa siya sumilip ulit doon.





(A/N: play youtube video on your right para mas feel..)
















Naabutan niya kasi sa hindi kaaya-ayang posisyon sina Hera at Ethan.














Kabig ni Ethan ang leeg ni Hera and He was kissing her passionately! Napatiim bagang tuloy si Lance. Nagngalit ang kanyang mga ngipin! Anong meroon at hindi man lang naisip ni Hera na naandito lang siya at posibleng makita niya sila?















Parang his heart skipped a beat. Nanggigigil siyang napasara ang mga kamao. Pinapanuod niya pa rin kung paano lasapin ni Ethan ang labi ng kanyang si Hera ng hindi man lamang lumaban ang babae niya.




Gusto niyang sumigaw. Patulan ang lasing na si Ethan at kaladkarin si Hera palabas. Pero pinigil niya. Ayaw niya na ng gulo. Kaya kahit na kakaiba na ang tibok ng kanyang pulso, tumatahip na ang dibdib sa inis, at nagngangalit na ang ngipin ay dahan-dahan pa rin niyang isinara ang pinto.





Dumiretso siya sa kusina. And for the longest time, napaiyak siya sa sakit na naramdaman. Ang huli niyang iyak ng ganito ay noong nasaktan siya sa pagtalikod sa kanya ni Zyrah.




"Anong kasalanan ang nagawa ko to deserve this!?!" Inis na pagkausap niya sa hangin. Binuksan niya ang ref at ininom mula sa pitsel ang lahat ng tubig doon. Kailangan niyang pakalmahin ang sarili niya.




Umiyak siya hanggang sa dahan-dahang napaupo dahil sa panghihina ng tuhod. "Bakit hindi umiwas si Hera?" Mahinang tanong niya sa sarili.





Napatayo lang siya sa pagkakaupo ng marinig niya ang kaluskos na parang bubuksan na ang pintuan ng kwarto ni Ethan. Tinakbo niya ang restroom, isinara ang pinto, at naghilamos para hindi mahalata na umiyak siya.




At nang makatapos ay napatitig siya sa sariling repleksyon. "Bakit niya hinayaan iyon?" Pabulong na pagkausap niya sa nakikitang nasa harap ng salamin.




Muli niyang binasa ang mga mata dahil parang maiiyak na naman siya!





"Lance? Lance?" Narinig niyang tawag ni Hera mula sa labas.





Huminga siya ng malalim ng ilang ulit habang nakatitig pa din sa salamin. Gusto niyang basagin ang salamin sa mukha ni Ethan. Pagkatapos niya itong ipasok sa trabaho at tulungan ngayong lasing? Ito pa ang isinukli sa kanya?




'Lasing kasi. Hinila lang siguro si Hera!' Pagkumbinsi niya sa sarili niya.






Knock..






Knock..






"Lance?"





Katok na ng katok si Hera sa labas. Si Herang minamahal niya na hinayaang namnamin ng ibang lalaki ang mga labi.




"Damn!" Napahampas siya sa salamin sa frustration kay Hera. Sinira nito ang tiwala niya. Bakit ganoon?




"Andyan ka ba, Lance?" Tawag ni Hera sa labas.





Huling hinga niya ng malalim at binuksan na ang pinto.




"Tapos ka na kay Ethan?" Nakuha pa niyang magpakita ng fake smile.





Lumibot ang paningin nito sa buong mukha niya. "Anong nangyari sa iyo?" Tanong nito at sinuklay pa ng daliri ang nagulo niyang buhok.




"Wala naman. Uwi na ba tayo?" Tanong niya at humakbang na para tuluyang makaalis sa restroom.




"Oo. Ayos na siya. Mahimbing na." Nakangiting sabi nito at iniyakap ang mga braso sa leeg niya.




Gustong-gusto niyang ilayo ito. Kanina nga lang ay yakap nito si Ethan habang hinahalikan ito ng mapusok, tapos ngayon siya ang yayakapin? Pero hindi niya ginawa.





"Halika na." Nakuha pa niyang hawakan si Hera sa kamay at lumabas na ng apartment. Kung siya lang ang masusunod, gusto niyang ipasunog na ang apartment!





SA KOTSE:





"Ok ka lang ba talaga?" Tanong sa kanya ni Hera. Halatang nag-aalala ito. Marahil ay napansin nito the way he clench his teeth at ang butil-butil niyang pawis kahit na ang lamig ng aircon ng sasakyan niya.





"O-oo." Sagot niyang ngumiti pa ng pilit dito. Kahit na ang totoo, umiiyak ang kanyang puso. Masakit ang kanyang damdamin. Sobra! At kung sinuman ang nasa kalagayan niya ay talagang pagpaawisan. Imagine, pigilan mo ang galit mo? Gusto mong manapak pero hindi mo magawa?




Ayaw niyang komprontahin si Hera. Mahal na kasi niya ito at natatakot siyang layasan siya nito kung aawayin niya o sisitahin. Mas makakaya pa niya ang ganitong sakit kesa ang sakit kapag napahiwalay si Hera. Kapag nangyari iyon ay baka ikamatay niya.




Tahimik na silang muli hanggang makarating sa condo. "Baby, ilock mo." Paalala ni Hera sa kanya ng makababa sila ng kotse.




"Ay oo nga!" At inilock na niya ang kotse. Dahil kasi sa nagtatalo ang iba't-ibang damdamin niya kaya nawawala siya sa sarili.





SA CONDO:




Nakapagshower na sila at kasalukuyang nakahiga sa kama. Nakaunan sa kanya si Hera habang magkayakap sila. Napapikit siya ng mariin. Dahil parang narereplay sa utak niya ang eksena kanina.




Kabig ni Ethan ang leeg ni Hera and He was kissing her passionately!





Kabig ni Ethan ang leeg ni Hera and He was kissing her passionately!





He again clenched his teeth. Pinipigilan niya ang mapasigaw. Ang hirap pala ng ganito talagang relasyon? Gusto niyang magwala pero ang isiping hindi naman sila ang pumipigil sa kanya.




"Baby, may kukwento ka ba? Nagkausap ba kayo?" Hindi napigilang tanong niya kay Hera. Siya na ang nagpasimula. Umaasang ipagtapat ito ni Hera.





Tumingala si Hera at tumingin sa kanya at nang maglaon ay umiwas din ng tingin. "Oo. Nagsorry siya at bati na kami." Pagkasagot nito ay sumiksik na ulit sa dibdib niya.




Ramdam niya ang mabilis na pintig ng puso nito. Para itong tumatakbo sa treadmill! Kaya alam niyang may ikinababahala ito.




'Kahit ako na makipag-torrid kissing sa iba ay kakabahan ng ganito.' Bulong ng utak niya.





"Tulog na tayo, Baby." Sabi nito at nagsmack sa lips niya. Ang same lips na nilalapa ni Ethan kanina.





But ngumiti pa rin siya at sinabing, "Sleep tight, Baby." At niyakap pa niya si Hera ng mahigpit.




Now he knows.... He just won BEST ACTOR AWARD in a most pathetic role para sa galing niyang umarte na parang walang alam.





Abangan.



_____________________________

A/N:



Vote. Comment. Follow.


Si Tope po ang nagsuggest ng mga susunod na mangyayari kaninang magkasama kami sa gym. Ciao!

Lustful DesiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon