Chapter 27

17.9K 254 15
                                    

Chris POV

Madalim na ng makalabas kami sa school, pagtingin ko sa relos ko 6pm na ng hapon. Nauna na daw ang iba sa bahay nila, at sinisi pa talaga ako dahil sa tagal ko daw kumilos.

“Kasalanan mo! Nagcr ka lang pala pero ang tagal-tagal mo!” sigaw nya sakin habang nagdridirve sya. Ang sarap batukan ng devil na ‘to, pero mas masarap ako bigwasan. Nakng tokwa. Eh, kahit na sinisigawan nya ako di ko padin maalis ung ngiti sa mga labi ko. Deym.

 

“Oh? Anung ningi-ngiti ngiti mo dyan?” iritatong tanung nya sakin. Umirap ako kunwari tapos humarap sa bintana. Ang gwapo mo kase!

“Wala..” sabi ko, tapos di na ulit sumulyap sa kanya, lihim akong napapangiti kapag naaalala ko ung nangyari kanina. Sh*t, malala na ako.

Maya-maya pa, nakarating na kami sa bahay nila brian para sa victory party, andito nga ang B4 tapos ung couch nila at ilang mga kateam mates tapos si Ella, Ningitian ako ni ella nung nakita nya ako,Umiwas sya ng tingin sakin tapos tumingin kay jeff na ngaun at may dalawang babaeng akbay-akbay, nasa gitna sya ng dalawang yun. Nakita ko kung panu rumehistro ang kunot sa noo ni ella, Anung meron?

“okey guys! Let’s party party!”sigaw ni lucy, itinaas nya yung beer na hawak nya,

 

“for our victory!” sigaw naman ni jeff.

“Cheers.” Sabay-sabay nilang sabi tapos sabay-sabay na pinagdikit ang mga baso nila, Napatingin ako kay lance na tuloy-tuloy na nilalagok ung beer nya, Di nya ako pinapansan o tinitignan manlang, Bakit ganun? May problema kaya sya? Nagkibit-balikat ako at umupo na.

Masaya ang victory party, nagkwentuhan, nagkantahan. Si lance naman natulog daw sa taas, maraming pagkain kahit iilan lang naman kami na andito, nagpaalam sakin si Ella na magcr daw kaya umalis sya sa tabi ko.. Napatingin ako kay Brian ng maramdaman kong umupo sya sa tabi ko. Nanigas ako bigla ng magsalita sya sa gilid ko, umaabot sakin ung hininga nyang mabango.

“are you having fun?” tanung akin ni brian

“ha? Oo nakakatawa sila,” sagot ko, tapos lumayo ng unte, Nakabukas naman ung aircon pero mainit padin, Shemay. Ang hot kasi ng katabi ko eh.

 

“Bakit ka lumalayo?” napatalon ako sa gulat, ayan na nagtaas na po sya ng boses, napatingin ako sa kanya nakakunot na naman ung noo nya. Binitawan nya ung beer na hawak nya tapos hinila ako sa bewang.

In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon