Maraming araw pa ang dumating sa buhay naming lahat katulad nang pagcelebrate nila ella at jeff nang anniversarry nila, ang paguwi ni kuya galing america, ang pagaaway at pagbabalikan nila julie at lucy. Pati na ang pag aaway-bati namin ni Brian,
Parang normal na yun para sa lahat. Madalas padin kaming nagkikita tuwing lunch, sabay-sabay kaming kumakain sa tamabayan. Hindi na tinanggap ni Brian ang alok sa kanya na pagmomodelo, Pinipilit ko sya pero ayaw na nya, Ang sabi nya sakin sapat na daw ang attensyong binibigay ko sa kanya, mas importante daw iyon kesa sa attensyon na ibinibigay sa kanya nang ibang tao. Masaya ako, isa pa, Ang tingin ko naman kay brian ay wala talagang interes sa pagmomodelo, ewan ko ba kung bakit pa sya sumali doon dati? Para makapaghigante ata sakin. Ewan.
Nakaformal ako nang pumasok sa school. Ngaun ang aming final defense, pagkatapos sa susunod na linggo ang graduation nila Brian kaya sobrang busy talaga. Panay ang basa ko sa document ko, Tinanaw ko sila ella, julie at alex na mukhang busy din sa pagaaral nang sa kanila.
Naramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko kaya naman kinuha ko iyon sa bulsa ko.
From: Brian.
Pagkatapos mo dyan. Puntahan mo agad ako dito sa rooftop. I miss you so much.
Ngumite ako pagkatapos ay tinago ang cellphone ko sa bag.
Sa katunayan, wala na dapat kaming pasok ngaun. Pero ang final requirement na kaylangan naming gawin ang ang maipasa ang defense, sa ngaun. Pahinga nalang nila Brian. Ang kaylangan nalang nilang gawin ang maghintay para sa araw nang graduation nila.
“Ms. Bernal. Ikaw na.” utas nang professor namin, Pinagpagan ko ang suot ko pagkatapos ay pumasok na sa isang kwarto kung saan andoon ang magpapanel sakin.
Ngumite ako sa kanila. Lalo na nang makita kong ang nasa unahan ang ang isa kong professor na si Ma’am Hedda, ang mama ni Brian at si Lolo Doreamon.
Nagsimula ako sa pagdedefense at maganda naman ang kinalabasan nang lahat.
Masaya akong lumabas nang room dala-dala ang pasado kong grado. Umupo ako sa isang bench doon habang pinapasadahan nang tingin ang buong paligid. Naagaw ang tingin ko nang isang poster doon na may mukha nang apat na prinsipe nang eskwelahan na ito. Seryoso silang nakatingin sa camera, nasa gitna ang nagiisang lalaking minahal ko nang sobra sa buong buhay ko, Sino paba? Edi si Brian Thomas Fuentes.
Ngumite ako. Malapit na silang umalis sa school na ito, Pero alam ko. Hindi naman sila makakalimutan nang mga estudyante dito.
“Chris!” utas ni ella sakin. Napalingon ako sa kanya.
“Naipasa mo?” tanung nya sakin.
Tumango-tango ako. Gumuhit ang ngiti sa labi nya. “Wah! Ako din! Yoho!” sigaw nya. Nagyakapan kaming dalawa, Sunod na lumabas sil Julie at Alex.
“yey! Pasado din kami!” tili nila.
“gusto nyong kumain? Tara!” yaya ni Alex. Tumango kami sa kanya pagkatapos ay sabay-sabay na pumunta nang mall.

BINABASA MO ANG
In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall Inlove
UmorismoSi Christina ay isang anghel, hindi literal na anghel pero ganun ang tingin sa kanya ng lahat. isang simpleng babae na may simpleng pangarap at buhay not until there's Brian Thomas Fuentes, isang "DEVIL" ika nga iba. nagtagpo ang kanilang landas ng...