Meron po akong bagong on-going 'To Reach You.' Sana masilip nyo po minsan! Thank you! Godbless! =)
Chris POV
“Sinabi ni Brian sayo un?” tanung ni Ella sakin. Tumango-tango ako.
“What is he up to?” tanung ni ella pagkatapos ay uminom nang juice. Hindi ako sumagot. Maski ako nagtataka. Hindi kaya lasing sya ng gabing iyon?
Pero, aaminin ko, Lumakas ang tibok ng puso ko ng sabihin nya un. Pero, Ayokong maniwala. Ayokong umasa na naman. Nung araw ng photoshoot. Halos isampal na nga nya sa pagmumukha ko na madumi akong babae at pera lang ang habol ko sa kanya tapos biglang ganun? Gusto nya akong mapasakanya muli? Imposible.
“Anung gagawin mo kapag nagkita kayo sa school?” tanung ni julie sakin.
Nagkibit-balikat lang ako. Anu bang dapat kong gawin? Umiwas? Teka. Bakit ako iiwas?
“Mukhang nauntog na si Brian.” Utas ni Alex. Napatingin ako sa kanya. Ngumite sya pagkatapos ang thumbs-up sakin. Kumunot ang noo ko dahil sa hindi ko naintindihan ang gesture nya.
Uminom nalang din ako ng juice pagkatapos ay bumaling sa television. Mabilis na lumipas ang araw at buwan, Ngaun. Huling sem na namin sa pagiging 3rd year. Ang B4 naman ay huling sem nadin sa pagiging 4tha year. Graduating na sila. Si brian? Hindi ko alam. Dahil simula noong pagkatapos ng photoshoot ay hindi na kami muling nagkita. Ang nasa isip ko nga, Baka bumalik na sya sa europe pero hindi.
Isang linggo pa ang lumipas, Pasukan na naman sa wakas. Maaliwalas ang gising ko nung umaga. Naghanda na ako sa pagkapasok sa school since hindi kamin nagsabay nila alex, julie at ella.
Lumabas ako ng bahay pagkatapos ay tumingala sa lahat. Kunteng kembot nalang matatapos na ako. Kunteng-kunte nalang.. iiwan ko na ang FIU. Hindi ko alam kong dapat ba akong maging masaya o dapat ba akong maging malungkot.
Sandaling natahimik ang buhay ko ng mga makaraang buwan, Walang Brian.. Walang Joey. Nasa america sya dahil tinatapos ang contrata nya sa isang modelling agency, Kung babalik sya? Hindi ko alam. Pakiramdam ko, Unte-unte ko na ding natatanggap ang mga nangyari samin ni Brian, Kahit na hindi lumilipas ang araw na hindi ko un iniisip, Atleast ngaun, Kaya ko nang kontrolin ang sarili ko na wag umiyak.
Not until nung sabing iyon..
“CHRISTINA ROSE BERNAL, GET READY! BECAUSE I’LL MAKE YOU MINE AGAIN, NO MATTER WHAT IT TAKES..”
Anu bang ibig nyang sabihin?
Bumuntong hininga ako ng matanaw ang gate ng university. Tumingin ako sa ilang estudyante. Parang history nalang ang nangyari samin ni Brian, Isang ala-ala nalang, Halos wala na ngang nakaalala. Para nalang ulit akong ordinaryong estudyante ngaun, Para bang isang bagyo lang ako ng dumaan.
Nung mainit pa ang break-up namin ni Brian, Halos lahat kami ang pinaguusapan, Pero ngaun. Hindi ko alam kung bakit parang biglang nalang nabura sa ala-ala ng mga tao ang nangyari. Nakamove-on na sila.
BINABASA MO ANG
In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall Inlove
HumorSi Christina ay isang anghel, hindi literal na anghel pero ganun ang tingin sa kanya ng lahat. isang simpleng babae na may simpleng pangarap at buhay not until there's Brian Thomas Fuentes, isang "DEVIL" ika nga iba. nagtagpo ang kanilang landas ng...