Chapter 48

13.8K 182 6
                                    

 

ELLA POV

Good thing, nakapagpractice padin ako ng maayos pagkatapos ng mga nangyari. Ilang araw nalang competition na. Kung magpapaapekto ako sa mga nangyari, siguradong nahihila ko pababa ang grupo. Kaya kahit na hindi ko maatim na nakakasama ko si Jhudie sa praktis wala naman akong magagawa.

 

“tama yan ella, wag mong hayaan na mawala ka sa concentration, hanggang matapos ang competition. AJA!” sabi ko habang nakaharap sa salamin. Nagpalit kasi ako ng damit dahil tinext ako ni chris (may bago na akong cellhphone) na nasa tambayan daw sila sabay-sabay daw kami kumain..

Kahit na nagaalangan akong pumunta dahil alam kong andun sya. Hindi naman ako papayag na magpaapekto. Kung may dapat mang mahiya sa aming dalawa sya yun at hindi ako.

Grabe sya magpalit ng babae. Ganun pala kabilis yun. Tss.

Inayos ko na ang gamit ko at inilagay iyon sa bag ko. Napataas ang ulo ko ng makita si Jhudie na pumasok sa Cr at naglagay ng pulang lipstick sa labi.

“Oh. Hi.” Saad nya sakin. Maliit na ngiti lang ang iginanti ko. Hindi naman ako galit sa kanya. Pero hindi ibig sabihin noon na gusto ko sya.

“nice moves. Magaling ka pala talagang sumayaw ella.” Saad nya sakin. Napatingin ako sa kanya dahil doon. “Salamat.” Utas ko.

“kaya lang medyo matamlay ka ngaun. Out of focus? May nangyari ba? Nag-break kayo ng boyfriend mo anu?” utas nya sakin.

Kumunot ang noo ko. Para kasing may ibig sabihin sya sa sinabi nyang iyon.

“Hindi. Wala naman akong boyfriend.” Saad ko.

“Oh? Kala ko kasi naging kayo ni jeff.” Saad nya. Napatigil ako sa ginagawa ko dahil doon.

“sabagay, wala naman talagang sineseryoso si jeff, sorry ha.” Saad nya tapos tinapik ang balikat ko. “Baka masaktan ka pero, sa lahat ng mga girlfriends ni jeff. Ako lang ang tumagal. 4 months din kami.” Saad nya.

“4 months?” utas ko. Muntik na akong matawa. Pinagmamalaki nya sakin ang 4 months? Anakng tinapa. Baka kaya sila nagtagal dahil naikakama sya ni jeff.

“oo. 4 months. Ilang beses na kaming naghiwalay, pero kita mo naman. Ako padin ang binabalik-balikan.” Saad nya tapos humarap sakin. Napatingin ako sa nakangisi nyang mukha. Ang ganda nya talaga. Ang gandang ihambalos ang mukha sa semento.

Itinaas ko ang kilay ko tapos ngumise din sa kanya. Isang ngiting dalang-dala ang kagandahan ng ugali ko na wala sya. “Ganun ba? Well, Congrats. Titikim sya ng iba tapos pag nagsawa na sya doon, ikaw ang babalikan. Naks. Ganda mo. Mabuti yan. Congrats ha?” sarcastic kong sabi tsaka ko sya tinalikuran.

Nagbabadya ang luha sa mga mata ko pero kinompose ko padin ang sarili ko para huwag umiyak. Mabigat ang pakiramdam ko ng marating ko na ang pinto ng tambayan. Huminga ako ng malalim bago binuksan iyon. Tumambad sakin ang gulat nilang maga mukha. Kumpleto na ang lahat. Ako nalang ang kulang.

In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon