Chapter 56

13.9K 209 15
                                    

Chris POV

Napatingin ako sa orasan.. 6pm na nakaready nako.. Suot ko ung white gown na pinili sakin ni ella pati ung heels, tapos ung hanggang bewang kung buhok mas lalo pang kinulot, nakalugay lang tapos nakamake up lang ako ng light, Nauna na si Ella dahil maaga syang sinundo ni Jeff, May intermission number kasi sila bago magsimula ang sayawan.

I wonder kung sinong susundo sakin ngayung magkagalit kami ni brian. Naiiyak na tuloy ako..

Nakaupo lang ako dito sa salas, Wala ako sa mood. Sa hindi ko malamang kadahilanan, Parang ayaw ko talagang pumunta. Si kuya naman di lumalabas ng kwarto baka tulog, ilang beses ko na din syang niyaya na i-date si Alex pero nagkikibit-balikat lang sya at naiiwas sa topic palagi.

Si Julie naman, nasa kwarto pa nya di pa din lumalabas..

Narinig kong may humintong sasakyan sa tapat namin, Nagliwanag muli ang mukha ko at dali-daling sinilip kung sino iyon, Kinagat ko ang labi ko sa disappointment, Hindi dahil sa ayoko ang lalaking sumusundo sakin ngaun. Kundi dahil siguro. Inaasahan kong si Brian iyon.

Suminghot ako. Pinipigilan ko lang ang pagpatak ng luha. Ayokong masira ang gabing ito, kahit na una palang. Sirang-sira na. Ilang araw ng hindi nagpaparamdam si Brian. Ung cellphone ko, Itinago ko sa drawer at pinatay. Ewan ko kung bakit,

Parang pakiramdam ko kasi makikipagbreak sya sakin kaya ayokong kausapin manlang sya. Natatakot ako sa mga pwede nyang sabihin.

Kinompose ko ang sarili ko at ngumite kay Lance, Nakaawang ang bibig nya sakin.

“Lance?” salubong ko sa kanya.

Ngumite sya tapos nagkamot ng batok.

“You look so Gorgeous Tonight.” Aniya.

Uminit ang pisnge ko. Tanda ko padin kasi ung ‘2 words, 4 syllables, 9 letters’ nya.

“S-salamat”

 

Habang nasa kotse kami ay panay ang ang tingin ko sa bintana. Binibilang ko ang mga sasakyang nakakasalubong namin. Sana pala hindi nalang ako pumunta, Mukhang wala naman mangyayaring espesyal sa gabing ‘to eh.

“Diaappointed ka siguro dahil wala si brian, at ako ang sumundo sayo.. umalis na sya kasama si joey..”

Napatingin ako kay lance dahil doon. Parang maiyak ako sa sinabi nya..

Shit.

Ngumiti ako. “Ok lang. ibig sabihin ikaw ang date ko ngayun.”

Ngumiti lang din si Lance. Bumaling ulit ako sa bintana tapos kinagat ang labi ko para mapigilan ko ang pagiyak. Si brian.. he slowly, slipping away..

In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon