Chapter 62

12K 186 20
                                    

“I love you Bethany..”

Hindi ako nakagalaw. Pakiramdam ko pinagsasampal ako ng isang libong beses. Gusto kong masalita pero walang kahit na anung tunog ang umusal sa bibig ko. Pakiramdam ko tumigil ang paggalaw ng mundo ko sa sinabi nya.

Nanginig ang buo kong kalamnam dahil sa nadinig.

Nanginginig ang kamay ko ng inilayo ko sya sakin. Literal na nanginginig ako. Kahit pigilan ko ay hindi ko kaya. Pati ang labi ko nanginginig na.

Humalakhak ako. “HAHAHAHA. Hin..” utas ko ng nagbagsakan ang luha sa mga mata ko. “di ako.. si bethany.. brian..” tumatawang sabi ko.

Nanlaki ang mata nyang nakatingin sakin. Mukhang totoong gising na sya ngaun.

Nanginginig ang kamay nyang hinawakan ang mukha ko

 

“i-im s-sorry.” Nangangatal na sabi nya. Kinagat ko ang labi ko tapos lumayo sa kanya.

“Lets go home?” Hindi sya gumalaw sa kinauupuan nya. Nilingon ko sya at nakita kong nakahawak ang isa nyang kamay sa noo nya.

Nawawasak ang puso ko kapag nakikita syang ganyan.

Im about to break down. Oh God, Please help me..It’s hurt.

It’s really hurt.

“I-m so s-sorry Chris..” Aniya. May namuong kung anu sa lalamunan ko, Pakiramdam ko nagkakaroon ng isang malaking pader sa pagitan naming dalawa. Pakiramdam ko anu mang oras ay nawawala sya sakin. Hindi.. ko kaya.

Humalakhak ako. “A-ayos lang! Cge, anu ah.. Mauuna na ako sa kotse.” Sabi ko. Nanginginig ang kamay kong kinuha ang bag ko. Dahil nasa lapag iyon, Kinakailangan ko pang yumuko para abutin iyon.

Eksaktong pagkayuko ko ay nagsilaglagan ang luha ko sa mata. Dammit. Tuloy-tuloy umagos ang mga iyon. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi nya madinig ang bawat paghikbi ko.

Pero mas lalo pa akong naiyak. Dammit. What should I do? I can’t stop crying.

“chris..” aniya. Agad kong pinunasan ang luha ko at hinarap syang nakangiti.

“B-bakit?” tanung ko.

“Pumunta tayo sa dalampasigan..” sabi nya. Inilapag ko ang gamit ko sa kama tapos sumunod sa kanya habang naglalakad palabas ng resthouse.

Madilim ang paligid, tanging ang buwan at bituin nalang ang nasisilbing liwanag namin. Halos wala nadin akong makitang tao sa paligid. Medyo malakas na ang ihip ng hangin, Tinanaw ko si Brian na nauunang maglakad sa akin. Nakatingin lang ako sa likod nya habang nakapamulsang tinatahak ang buhanginan.

Muling tumulo ang luha ko. Brian, If I can be the most important person to you, How happy I could be. I don’t want anybody else but you. Brian. I want you all by myself, Paanu kaba magiging sa akin ng buong-buo? Paanu ba?

In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon