Chapter 29

16.7K 218 8
                                    

ELLA'S POV

Tumingin ako sa paligid, mukhang nagkakasayahan pa naman ang lahat. Tumayo ako sa kinauupuan ko dala-dala ung bag ko at tinahak ung papuntang garden. Malakas ang kabog ng dibdib ko sa di ko malamang dahilan. Isipin ko palang na andito si jeff nanghihina na ang tuhod ko.

Binuksan ko ung glass door, bumungad sakin ang napakagandang garden nila brian, siguradong matutuwa si chris kapag nakita to’ mahilig din kasi un sa mga halaman. Nilibot ko ung tingin ko sa paligid, asan si jeff?

Tinignan ko ung cellphone ko, I was about to contact him ng may nagsalita sa likuran ko. “ella.” Kumabog agad ung dibdib ko, mabuhay ang mga paru-paru. Pumihit ako paharap sa kanya. Malamlam ang mga mata nya ng nakatingin sakin.

“jeff. Bakit mo ako tinawagan?” tanung ko. Pinilit kong magsalita ng normal sa kabila ng pagrurumble ng puso ko. Mabuti nalang at magaling ako pagdating sa pretending.

Yumuko sya tapos napakamot sa batok nya. “Gusto ko lang magsorry sa nangyari kanina..” utas nya sakin, tumingin sya sakin pagkatapos nun. Makinang ang mga mata nya, Nakatayo sya sa ilalim ng mga bituin na nagsisilbing ilaw sa aming dalawa.

“bakit kaba nagalit kanina?” tanung ko, nakita kong nanlaki ung mata nya, Hindi kaya nagseselos sya? Pero, imposible naman yun.

“hmmm..” nakita kong hinilamos nya yung palad nya sa mukha nya. Nakaawang ang bibig nya na para bang may gustong sabihin, Nakatitig lang ako sa mga mata at habang hinihintay ang mga katagang gusto kong madinig.

“ella!” biglang sabi nya halos mapatalon ako sa gulat, anu ba talagang gustong sabihin ng taong to? Ang gulo nya huh!

 

“bakit ba jeff? Anu ba yun?” sabi ko tapos lumapit sa kanya, nakita kong nanigas sya sa kinatatayuan nya, tinakpan nya yung mukha nya gamit ung isa nyang kamay. “Damn. This is gay!” narinig kong bulong nya.

“huh?”

“Let’s go.” Sabi nya tapos kinaladkad ako.

“aray-aray, anu bayan. San mo ba ako dadalhin ha?” tanung ko sa kanya pero di padin ako binibitawan.

“hoy! Jeff bitawan mo na ko.” Pagkasabi ko nun napahint sya tapos bigla nya na akong binitawan.

“anung problema mo bigla-bigla ka nalang nangkakaladkad jan?”

 

 

Nakatitig lang sya sakin. Tumingin din ako sa kanya diretsyo sa mga mata nya, sinusubukan kong basahin un. Ang gulo nyang tao. Di ko sya maintindihan.

In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon