Chapter 85

12.3K 217 14
                                    

5 chapters to go guys!

Sana masuportahan nyo hanggang huli and ung bago ko pong on-going na "To reach You" sana mabasa nyo din. Kung minahal nyo si Brian Thomas Fuentes dito,

Im super duper mega ultra sure, Mamahalin nyo din si  Lord Ethan Rodriguez doon! =)

Godbless!

“Yes! Finals na!” utas ni ella sabay akbay sakin. Ngumite ako sa kanya. Oo! Final exam ngaun at pagkatapos nito, Graduation nila Brian. Habang kami ay halos isang taon pa bago ang graduation.
“Gragraduate na ang B4.” Utas ni Alex sabay upo sa upuan nya.

Ngumite ako. Parang kelan lang. Ang sarapa balikan nang lahat. Ang dami na palang nangyari. Sa paglipas ng panahon, sa lahat nang saya, lungkot at sakit na naramdaman nami ay hinubog kami nito para mas maging mabuting tao.

Dumating ang professor namin maya-maya.

Nagsimula nadin ang exams namin, Dahil apat nalang ang subject namin ay isang araw lang ang exam, Napangiti ako nang makita ang content ng exams ko, Confident akong papasa. Bukod sa natapos ko nang maayos ang thesis ko, Mukhang lumabas ang lahat nang nireview ko sa exams.

Ilang oras pa ang nakalipas ay tinapik ni ella ang balikat ko.

“una na ako naghihintay si jeff sakin.” Aniya. Tumungo lang ako pagkatapos ay nagpatuloy na sa pagsasagot.

Sa iilang items nang exams ay pinagisipan ko talagang mabuti, ayokong magkaroon nang blangko ang papel ko.

Kaninan ko pa nararamdaman ang pag-vibrate nang cellphone ko pero hindi ko pinapansin. Malamang si Brian iyon, Anakng! Kitang nageexam ang tao. Patay talaga un sakin.

Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa paligid. Nagulat pa nga ako nang makitang iilan nalang pala kaming natitira sa room. Tiniklop ko ang booklet ko atshaka tumayo ay pinasa iyon sa professor.

Umupo ulit ako sa upuan ko para ayusin ang gamit ko, tsaka ko lang naisipang tignan ang cellphone ko. Nanlaki ang mata ko nang makita ang iilang message galing kay Brian

From: Brian

Tapos kana?

Nasa labas ako nang room mo.

Hey!

Ang tagal mo! Nilalangaw na ako dito!

Honeybee!

Kapag wala kapa in 5 minutes, may utang kang sampung halik sakin!

Namilog ang mata ko at agad na napatingin sa labas,

Agad na nagtama ang mata namin nang nakakunot-noong si brian. Isinabit ko ang bag ko sa balikat ko pagkatapos ay lumabas na, Sinalubong nya agad ako.

In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon