Chapter 50

14.8K 196 9
                                    

Ella’s POV

 

Nasa sasakyan kami ni David. Hinahatid nya ako ako sa pag gaganapan ng dance competition namin. Nakayuko lang ako habang hinihintay na makarating kami doon. Naiisip ko na naman kasi si jeff. Hes totally invading my mind.

Umiling-iling ako. Hindi ito pwede. Kaylangan kong magconcentrate sa competition.

Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon sa bulsa ko.

“New phone?” tanung ni David sakin.

Bumaling ako sa kanya. “Oo.”

“What happen to your phone?” tanung nya. Nagkagat-labi ako. Ayun, itinapon ni Jeff sa bintana.

“Ah. Nawala.” Pagsisinungaling ko.

Binalingan ko ang cellphone ko at nakitang nagtext si Dara doon.

From: Dara

Nag-quit si Jhudie sa dance troupe! Juntis pala ang gaga! Urgh! Kung kaylan naman competition na. Bilisan mo na bruha! Ikaw ang bida ngayon. Ikaw sa center.

Napasinghap ako. Buntis? Buntis si Jhudie? Napalunok ako dahil may tumatakbong kung anu sa utak ko, Hindi kaya. Si Jeff..

Pumikit ako ng mariin habang inaalala lahat ng panlalamig sakin ni jeff. Si jeff ba ang ama?

Pagkarating naman sa venue ay agad na pinagbuksan ako ng pinto ni david.

“Thank you david” utas ko sa kanya. Ngumite lang sya ng pilit sakin.

“Galingan mo.” Utas nya. Napansin ko ang lungkot sa mga mata nya. Nilapitan nya ako tapos hinawakan ako sa pisnge.


“Be happy.” Utas nya.

Kumunot ang noo ko. “Manunuod kaba?”

Umiling sya. “Nah. Not this time. Baka hindi ko kayanin.” Saad nya.

Naguluhan ako sa saad nya. “huh?”

“Mamaya magiging masaya kana ng tuluyan.” Saad nya bago umalis.

Nakatitig lang ako sa salamin habang inaayusan ako. Napatingin ako sa iba kong kagroup mukhang excited na silang lahat. Naisip ko tuloy sila chris. Malamang nasa labas na ang mga ‘yon.

 

“Finish na.” nakangiting utas sakin ni Jen. (Ung make-up artist)

Ngumite ako tapos tumayo na sa upuan. Nilapitan ako ni Dara. “Perfect te! Ang ganda mo! Galingan mo mamaya ha! It’s your night!” tili nya sakin.

Sumimangot ako tapos umalis sa harapan nya para kunin ang sapatos ko sa bag. “Tsss. Galingan natin kamo. Tsaka, bakit ba sinasabi nyo na gabi ko ito? Sating lahat ito okey?” saad ko habang sinusuot ang sapatos ko.

In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon