Chapter 47

13.6K 190 10
                                    

JULIE’s POV

Andito na kami sa school ngaun. Wala kaming regular class hanggang matapos ung dance competition, andito kami ngaun sa AVR at nanunuod ng praktis nila couz.

Ok. Aminado ako, Ang galing talaga nya sumayaw. Ang sexy gumalaw. Kung lalaki lang siguro ako, baka nainlove nako sa pinsan ko. Hanga ako sa kanya dahil hindi talaga sya nagpapaapekto sa nangyayari sa kanila ni jeff, Sobrang professional nya. Sana lang kagaya ko din sya.

Napatingin ako sa katabi kong si Alex, Kanina pa ‘to namumula simula ng inuwi sya ni kuya tavis sa bahay, Anu kayang nangyari sa kanila, Malamang nagaway na naman ang dalawang ‘to. Si chris naman umalis at nagCR daw.

Napatingin ako sa paligid. Wala si Lucy, Namimiss ko na sya. Pagkatapos ng gabing yun. Hindi ko na sya hinintay sa may gate dahil ayaw na nya, Pakiramdam ko nahihiya sya sa tuwing ginagawa ko iyon. Isa pa, Pinuputakte ako ng mga babaeng baliw sa kanya. Kulang nalang padalhan nila ako ng mga death treat na layuan ko daw si Lucy.

Sa tuwing kakain naman kami sa tambayan, ni hindi nya ako magawang sulyapan. Anung nangyari?

Napabuntong hininga ako. Mukhang nainis na talaga si Lucy sakin dahil sa mga pinag gagawa ko, Pero.. Bakit nya ako hinalikan ng gabing yun?

“Alex. Bili lang ako ng water ha?” saad ko. Tumango lang sya nagsimula akong maglakad palabas ng AVR.

Pumunta ko sa canteen tapos bumili ng tubig doon. “Ate, tatlong mineral water po.” Utas ko. Pagkatapos kong ibigay ang bayad ko ay umalis na din kaagad ako, Baka nauuhaw na si Ella. Wala pa naman syang tubig doon. Halos patakbo akong pumunta sa AVR pero napahinto din ako ng matanaw ko si Lucy sa may daraanan ko, may iilang babaeng nakapaligid sa kanya.

“waah. Lucy, youre so handsome.”

“lucy take me with you.”

“so cool waaah.”

Napalunok ako. Hindi ko alam kong aatras ba ako o magpapatuloy lang sa paglalakad.

“lucy, may nagugustuhan kanaba ngaun ha? Tell us please.” Sabi nung isang babae,

Para akong nastunned sa kinatatayuan ko. Gusto kong madinig ang susunod nyang sasabihin pero natatakot ako. Natatakot ako sa isasagot nya.

Meron na nga ba?

Meron na ba?

Nakita kong napakamot si lucy..

 

“ahhm.. oo meron na.” pasimpleng sagot nya.

In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon