Chapter 90 Part I

11.9K 193 10
                                    

Chris and Brian

“Palagi akong tatawag.” Utas ni Brian sakin habang yakap-yakap ako. Nasa sasakyan kami ngaun at papunta na sa airport, Ang driver nila Brian ang nagdridrive ng kotse, ayoko sanang sumama dahil masakit at mahapdi pa talaga ang anu ko pero di naman ako makapapayag na hindi makita ang pag-alis ni brian.

“Pupunta ka sa condo palagi, Doon ka mag-stay.” Utos nya sakin.

Sumimangot ako. Sa pagkakataong to. Gustong-gusto ko talagang pigilan nalang ang pagalis ni Brian.

“Ts. Wag kang mambababae doon.” Utas ko sa kanya.

Naramdaman kong nanginig ang balikat nya. Napatingala ako at nakita ang walang boses nyang pagtawa.

Umismid ako sa kanya.

“anung tinatawa-tawa mo dyan?” utas ko.

Mas hinapit nya ako papalapit sa kanya.

“Wala. Mahal na Mahal kita kaya hinding-hindi kita ipagpapalit sa iba.” Hinalikan nya ang noo ko. “at ganun ka din sakin, Hinding-hindi kana makakawala sakin Chris, Kahit na wala na ako sa FIU still, my eyes is on you. Walang lalaki ang pwedeng humawak o lumapit sayo. Wala.” Aniya.

Ngumite ako. Napaisip ako, Wala talaga akong pinagsisisihan sa mga nangyari kagabi. Mahal ko si Brian, at alam kong ganun din sya sakin. Napakaswerte ko, Bakit? Kasi sa dinami-dami ng pinagdaanan namin. Heto kami ngaun, Magkasama padin. Wala na ata akong mahihilig pa.

Noong bata pa ako, Pinangarap kong magkaroon ng isang taong Gwapo, Mayaman at Mala-prinsesa ang turing sakin. Meron akong isang batayan o katangian ng taong gusto kong makasama, Pero naisip ko lang. Habang tumatanda pala tayo, Nagbabago ang pananaw natin sa buhay. Hindi na mahalaga ang lahat ng iyon sakin, Ang importante. Ung taong mamahalin ako ng buo, at si Brian iyon.

Maaring hindi sya katulad ng ibang prinsesa na mahinahon at isang prinsipeng gentleman para sa kanyang prinsesa, pero masasabi kong sya na ang gusto kong makasama.

Hindi sya kasing bait ng iba, hindi sya kasing lambing tulad ng inaakala nila. Pero, si Brian ang prinsipe ko. Hinding-hindi na ako hahanap ng iba.

Isang oras ng biaje ay nakarating na kami sa airport, Nakita agad namin ang iba na naghihintay doon. Kumaway si Ella sakin habang suot-suot ang varsity jacket ni Jeff. Kumunot ang noo ko sa itsura nya.

Hindi din ba ‘to umuwi kagabi?

“mas nauna pa kami sayo dito. May balak ka ba talagang umalis?” utas ni Jeff pagkatapos ay humikab pa.

Tumingin ako kay ella na namumula ang pisnge nang mapasulyap kay Jeff. Ngumise si Jeff pagkatapos ay hinapit sya sa bewang.

“Mabuti nalang at hindi kami natulog ni ella.” Aniya. Nalaglag ang panga ko.

“Tss! Wala kayong pakealam. Mahirap umalis kapag andito si chris.” Aniya pagkatapos ay umupo na sa isang upuan doon.

Lumapit si Julie at Alex sakin. “Ayos kalang ba? Mukha kang pagod, chris.” Utas ni Alex. Nagitla pagkatapos ay agad na napatingin sa kanya.

In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon