Chapter 70

12.9K 169 19
                                    

“kelan ang dating ng ibang bisita?” tanung ni lucy kay jeff ng makarating kami sa resthouse nila, Umismid ako. Ilang hakbang lang pala ang layo ng resthouse ni jeff kila brian.

 

“Walang bisitang darating, tayo-tayo lang.” nakangiseng utas nya matapos ay umakbay sa bestfriend kong si ella.

“So, paanu ang hatian ng rooms?” tanung ni Julie.

Nagisip sandali si Jeff, “five rooms ang meron dito. Syempre kasama nyo ng ang mga girlfriends nyo sa kwarto.” Tumawa sya kaya nakatanggap sya ng sapak kay ella.

“Hindi pwede anu. Ganito nalang, Magsama-sama nalang ang mga lalaki sa iisang kwarto, ganun din ang mga babae sa bukod pang kwarto para walang away.” Suhestyon ni Alex.

Binaling ko ang tingin ko sa may dalampasigan. Nakikita ko ang iilang tao ng nagtatampisaw sa may tubig, mukhang mga turistang nagbabakasyon base sa kanilang mga itsura.

“Ang gulo naman! Bakit kasi hindi nalang magkasama sa iisang kwarto ang mag kakarelasyon!” utas ni Joey. Napatingin ako sa kanya dahil doon.

Sumang-ayon si Jeff kaya sumimangot si ella.

“ganun nalang siguro. Hahahaha. Wala namang gagawing masama eh!” utas ni Lucy.

“basta, bubukod ako ng kwarto dahil wala si Travis dito.” Pagsusungit ni Alex.

“So, si Jeff at ella sa iisang kwarto, si Lucy at Julie, si alex sa bukod na kwarto at…” napatigil si Ella sa pagsasalita at napatingin saming apat nila Brian, Joey at lance.

“Ahm.. anu, paanu ba..” utas nya.

Kinagitla ko ng hagitin ni lance ang bag ko at isinabit sa balikat nya.

 

“L-lance.” Utas ko.

Inakbayan nya ako. “Kami nalang ni Chris sa iisang kwarto.” Saad nya, Napaawang ang bibig ko. What?

Tumingala ako, Ngumite lang sya sakin. “Ok lang sayo un diba?” tanungn nya. Tumango-tango lang ako.

“So, si Chris at lance sa iisang kwarto kaya si Brian at Jo—“

“Forget it. Doon ako sa resthouse ko.” Utas ni Brian tapos itinapon sa sofa ang bag nya. Akmang lalakad sya palabas ng nagsalita si Jeff.

“Pare, wala namang ganyanan, birthday ko eh. Oh,” utas nya.

Binalingan sya ni Brian. “I don’t care.” Utas nya.

Tinanaw ko lang sya habang nakatalikod samin.

 

“Chris, Let’s go to OUR room.” Utas ni Lance, Nakita ko kung paanu gumalaw ang balikat ni Brian, Galit nya kaming binalingan.

“Bakit kayo magsasama sa iisang kwarto? Magkarelasyon naba kayo?” matigas ng utas nya.

In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon