Chapter 83

12.7K 190 7
                                    

“San ba tayo pupunta huh? Brian?” tanung ko sa kanya habang seryosong magdridrive sa kotse.

Sumulyap sya sakin ng isang beses pero binaling din ang tingin nya sa kalsada.

“magdadate tayo.” Nakangiting sabi nya.

Ngumuso ako.

“hindi ito ang tamang panahon para magdate brian, Dalawang buwan nalang at gragaduate na kayo, Pagkatapos marami kapag hahabuling lessons dahil sa matagal mong pagkawala, May gana kapang magdate dyan!” masungit na utas ko.

Naramdman ko ang paggapang nang kamay nya sa palad ko. “Tumahimik ka nga. Syempre gragraduate ako. Imposible bumagsak ako.” Mayabang na sabi nya.

Umismid ako. K.dot. oo na! Ikaw na may ari nang school.

Itinigil nya ang kotse sa harap nang isang hotel. Nanlaki ang mata kong nakatingin sa kanya. Anung ginagawa natin dito.

“I made a reservations.” Aniya.

Uminit ang pisnge ko. Mukhang nabasa nya ang iniisip ko kaya naman walang humpay ang pagtawa nya. Naagaw namin ang attensyon nang mga tao. Gusto ko syang bigwasan dahil sa kahihiyang ginagawa nya pero hindi ko magawa.

“bakit ba ang halay nang pagiisip mo? Kakain lang tayo dito. Infact..” lumapit sya sakin. “I won’t touch you.. I will reserve that for the very special day.” Bulong nya sakin.

Dumaloy agad ang init sa katawan ko nang dahil doon. Inirapan ko sya pagkatapos ay tinulak sya palayo.

“tigilan mo ako brian!” utas ko.

Ngumiti sya pagkatapos ay hinawakan ang kamay ko. Nagpatinaod ako sa hila nya papunta sa loob nang mamahaling hotel na yun. Ito ang unang beses na nakakakain ako dito.

Agad kaming inasikaso nang isang waiter doon.

Umupo kami sa table na pangdalawahang tao. Inabutan ako ng menu, binasa ko iyon pero wala akong naintindihan kaya ibinaba ko din iyon sa table.

“Brian.”

Nilingon ako ni Brian. “What? Nakapili kana?” tanung nya.

Umiling-iling ako.

“Hindi ko maintindihan ang pagkain dito. Sa iba nalang tayo.” Utas ko.

Kumunot ang noo nya sakin. “Ayaw mo dito?” aniya.

“hindi naman kaya lang, parang mas gusto kong kumain ng street foods ngaun.” Utas ko.

Nanlaki ang mata nyang nakatingin sakin.

“The hell no! bakit ka kakain ng street foods? I want my girl to eat a decent food kaya pumili ka dyan.” Aniya.

Ako naman ang bumasangot. “decent food nman ang street food ah.” Utas ko.

Hindi nya ako pinansin.

In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon