Chapter 64

11.9K 170 11
                                    

Nakaawang na ang bibig ko, sasabihin ko na sa kanila ang nangyari ng araw na iyon ng biglang tinapik ni ella ang likod ko.

“Aha! Nagaway na naman kayo anu?” saad nya. Tututol na sana ako ng madinig ang halakhakan nilang lahat.

“Grabe, hanggang ngaun ba naman? Wala na kayong pinagbagong dalawa.” Bungisngis ni Julie.

Yumuko ako. Sana nga, Sana nga nagaway nalang kami. Kaso hindi.

Lumipas ang maraming araw. Parang naging mabagal ang pag-agos ng buhay sakin. This is my first heart break. Ang sakit ng nangyari. Pakiramdam ko hindi ko na kayang bumangon pa lalo na’t kinikimkim ko lang sa sarili ko ang sakit. May kung anu sa sistema ko kapag nababanggit nila kung bakit hindi kami ngkikita ni Brian. Tumitikhim nalang ako at naghahanap ng kun anu-anung dahilan.

“Bukas, pasukan na. 3rd year na tayo!” sabi ni Alex habang tinatapik ang likod ko. Nugmite lang ako sa kanya. Kinuha ko ang unan ko at tinabon iyon sa mukha ko,

“aba! Ang inggratang si Joey, Nagpalit ng profile picture! Kasama pa si Brian! Kapal huh!” utas ni julie. Nanlaki ang mata ko pero nanatili akong walang kibo.

“do something about this, Chris. Papansin talaga yang si Joey sa boyfriend mo!” sabi ni Ella. Humalakhak lang ako. Pekeng-peke. Tumahimik ako tapos madiing pinikit ang mata ko.

Resist chris. Resist. Wag kang iiyak.

Maaga kaming pumasok para sa kinabukasan. Ayaw ko pa sanang pumasok dahil halos wala pa namang professor ngaun, pero napilitan nadin ako dahil sa paghila sakin nila ella.

 

“Bakit ba ang tamlay mo? Ang gawin mo, Makipagbati kana kay brian ngaun! Ang tagal na nyang away nyo ah!” utas nya sakin.

Hindi ako sumagot sa halip nagpatinaod lang ako sa kanya papasok ng classroom namin.

“Hi, chris” bati ng isa kong classmate sabay hagod sa buhok ko.

“Ang ganda talaga ng hair mo!” utas nya. Pumitik ang puso ko. Yeah. Kaya nga gusto ni Brian ‘to.

Nilapag ko ng ang bag ko sa mesa ng lumapit ang banas na banas na si Alex samin. “Ang saya-saya ko na dahil wala si joey dito, pero yun pala. Ang bruhang yun, nilipat pala ni Brian sa Class A.” Aniya.

Bigla kong nabitawan ung librong hawak ko.

 

 

“S—sorry..” I said tapos pinulot ko ung mga libro ko, tumulo nalang bigla ung luha ko pero agad ko namang pinunasan.

Pakiramdam ko sasabog ang puso ko..

“Anu ba talagang nangyari kasi?” tanung ni ella. Nagkibit-balikat ako.

“h-huh? Wala naman..”

 

“Wala namang klase pa, tara sa tambayan!” suhestiyon ni Julie.

In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon