Chapter 88

12.1K 207 19
                                    

Namamawis na ang kamay ko dahil ayaw bitawan ni Brian kahit nung nasa kotse pa kami. Nandito na kami ngaun sa bahay nila para sa isang engrandeng celebration pala para sa kanya at sa B4.

Madaming bisita at madaming lumalapit sa kanyang kung sino-sino para mabatiin sya pero ningingitian nya lang ito tapos wala na. Hindi na nya ulit papasinin. Sobra ang pasasalamat ko dahil pribado ang selebrasyon na ito at walang media. Maliban nalang sa iilang photographers.

“Brian, bitawan mo na ang kamay ko. Asikasuhin mo naman ang mga bisita mo.” Paninita ko sa kanya. Kumunot ang noo nya sakin.

“Bakit hindi ka sweet sakin?” tanung nya. Ako naman ang napanganga.

“Huh?”

Umirap sya. “Tss. Ilang araw nalang kitang makakasama kaya hindi ko na bibitawan ang kamay mo.” Aniya

Uminit ang pisnge ko.

“Brian naman.”

“Umuwi nalang sila kung gusto nila, Hindi naman sila kaylangan dito. Ikaw ang kaylangan ko.” Aniya.

Napanganga ako sa sinabi nya. Srsly?

Wala talaga syang pakialam, Hindi nya manlang inisip na andito lahat ng taong yan para sa kanya. Tss.

Lumingon ako sa paligid. Nakita ko ang iba na mukhang nasasaya naman. Lalo na si Jeff at ella na mukhang nageenjoy sa may sulok.

Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang may tumusok sa tagiliran ko.

“Lolo Doraemon!” utas ko ng makita syang nakangising parang baliw sa gilid ko.

“Hehe. Hi!” aniya. Agad akong hinila ni Brian.

“Anung ginagawa mong matanda ka!” Aniya.

Itinaas ni lolo ang dalawa nyang kamay. “Easy. May sasabihin lang ako kay chris.”

“Hindi pwede.” Diretsyong sabi ni Brian,

Nagpout si Lolo sa harap namin kaya hindi ko napigilan ang pagtawa.

“tungkol saan po ba?” tanung ko pagkatapos ay binitawan ang kamay ni Brian, Nanlaki ang mata nya sakin.

“Hey!” sabi nya.

“Teka lang.” sabi ko pagkatapos ay nagpatinaod kay lolo doraemon.

Tinanaw ko ulit si Brian na nakatingin lang saming dalawa ng lolo nya. Binalingan ko ng tingin si lolo doraemon.

“Anu po ba un?” tanung ko sa kanya.

Ngumese sya sakin. “Kayo na ulit ng apo ko?” tanung nya. Uminit ang pisnge ko sa tinanung nya.

“Ah.. eh.. opo” nahihiyang utas ko.

Nakita ko kung paanu sya napasuntok sa hangin.

“hehe. Lolo.. anu po eh..” utas ko tapos nagkamot.

Hinawakan nya ang kamay ko. “Ikaw na ang gusto kong makatuluyan ng apo kong si Brian.” Aniya.

In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon