Hello. Pwede po ba akong humingi ng favor sa inyo? Ngaun lang naman eh. Hehe. Hindi naman ako demanding author na nanghihingi ng madaming votes para mag-update. Pero ngaun, Sana mabigyan nyo din ng chance para mabasa ang mga one-shots ko. I promise, it will worth your while kaya sana, masilip nyo din minsan.
*Bintana
*In Another Lifetime
*DIMATINAG
*LOVE
Thank you. Godbless.
~
“Kayo naba, ni Lance?” utas nya. Matagal bago ako nakasagot, nakatitig lang ako sa mukha nya,
Tinatamaan kami ng magandang kulay ng paglubog ng araw, Malakas ang pagtibok ng puso ko
kahit na alam kong hindi na dapat.
Nakaawang ang mga labi nya na tila ba naghihintay kong anu ang isasagot ko. Hindi kami ni Lance. Gusto kong sabihin iyon pero walang salitang gustong lumabas sa mga bibig ko.
“So, kayo na nga?” ulit nya.
Yumuko ako. “Hin..”
“Ang bilis ah.” Biglang sabi nya kasabay ng mahinang pagtawa. Napatingin ako sa kanya dahil
doon. Maya-maya ay tumigil din sya.
“Ang galing ah.” Sumeryoso ang mukha nya. “Kelan pa?” sarcastic na sabi nya.
Kinagat ko ang labi ko habang nakatingin sa kanya. Anu bang tingin nya sakin? Ganun ba kong babae sa paningin nya?
“Anu naman ngaun sayo?” lakas loob na sabi ko.
Lumapit sya sakin. Lumukso ang puso ko sa dibdib ko pero hindi ako nagpatinag, “Pagkatapos ko, si lance naman? Anung problema mo? Para kang mauubusan ng lalaki, Libreng tuition fee ang habol mo sakin diba? Kay lance? Anu naman habol mo sa kanya ha?” Tumawa sya. “Sabagay, Mayari sila lance ng iba’t-ibang klaseng hotel dito sa pilipinas at sa ibang bansa, wala ka ng problema sa pera kung sakaling papatulan mo sya. Good for y—“
*PAKKK*
Isang malakas na sampal ang naibigay ko sa kanya. Pakiramdam ko ay ngaun lang ako nakasampal ng ganun kalakas, tuloy-tuloy na dumaloy ang luha sa mga mata ko. Nakatabingi padin ang mukha nya dahil sa pagsampal ko. Nanlaki ang mata nya nung una pero kinalaunan ay bumalik din sya sa dati nyang ekspresyon.
“Ang kapal ng mukha mo!” matigas na saad ko.
Inihilig nya ang mukha nya papalapit sakin. “Mahalikan kana ba nya ha? Nabura naba nya yang teritoryo ko sa labi mo? Nakuha nya ba nya ang pinakaiingatan kong virginity mo?” saad nya. Nanlaki ang mata ko at itinulak sya. Hindi sya natinag kaya ako ang lumayo sa kanya.
“Anu naman sayo kung nahalikan na nya ako? Kung may nangyari na samin?” lumunok ako. “Wala na ng pakiaalam doon! Wala na tayo diba? At hindi pera ang habol ko kay lance!” utas ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/8195235-288-k480597.jpg)
BINABASA MO ANG
In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall Inlove
HumorSi Christina ay isang anghel, hindi literal na anghel pero ganun ang tingin sa kanya ng lahat. isang simpleng babae na may simpleng pangarap at buhay not until there's Brian Thomas Fuentes, isang "DEVIL" ika nga iba. nagtagpo ang kanilang landas ng...