Chapter 73

12.2K 161 10
                                    

“Happy birthday Chris!” sabay-sabay na bungad nila sakin pagpasok ko sa pintuan.

Hinawakan ko ang dibdib ko sa gulat. “Thank you!” utas ko.

Lumapit si ella sakin habang hawak-hawak ang cake sa kamay nya. “Happy Birthday to you.. Happy Birthsday to you.. Happy Birthday, Happy Birthday! Happy Birthday to you! Blow your candles na!” utas nya.

“And make a wish!” sigaw naman ni Julie. Ngumite ako sa kanilang lahat. Kumpleto sila maliban kay kuya at kay Brian..

oo. isang linggo pa ang dumaan pero wala pa din sya. Pilit kong ibinibabaon sa limot ang lahat, pero gabi-gabi nalang sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko. Wala akong ibang nakikita kundi ang mukha nya ng gabing iyon. Kung paanu sya magpahid ng luha sa harapan ko. Kung paanu sya magpakaawa sakin, Kung paanu nya sinabing ayaw na nya.

Kinagat ko ang labi ko habang nakatitig lang sa cake na hawak-hawak ni ella.

“Chris..” utas ni lance. Nagitla ako at nagising sa katotohanan.

“h-huh?”

Ngumite sya sakin. “blow your candles.” Aniya.

Binalingan ko silang lahat na nakakunot ang noo sakin. Malamang alam na nila kung anu ang tanging hihilingin ko.

Pinikit ko ang mata ko pagkatapos ay pinakiramdaman ng mabuti ang puso ko. This is my only wish.. my one and only wish.

Brian, Please. Come back.

Dinilat ko ang mata ko pagkatapos at hinipan ang kandila. Nagpalakpakan silang lahat.

“Thank you sa surprise!” sabi ko. Nagtawan si Jeff at lucy dahil panay ang punasan nila ng cake sa mukha. Nilapitan ako ni Lance pagkatapos ay ibinigay ang regalo nya sakin.

“Salamat lance.” Sabi ko.

Ginulo nya ang buhok ko. “Wala yun!” sabi nya.

“Thank you sa inyong lahat.” Sabi ko pagkatapos ay ngumite.

Kumain kami pagkatapos, Masaya ang lahat, Nag-chat kami ni kuya at binati nya ang ng happy birthday. Umalis ako sa kwarto ay hinayaan si Alex at si kuya na magusap doon. Pagkababa ko ay nakita ko silang nagkakasayahan. Umupo ako sa sofa pagkatapos ay niyakap ang unan doon.

Kahit sa paanung aspeto ko tignan. Talagang may kulang.

Lunes na. Pumasok ako sa school dala-dala ang documentation ng thesis ko sobrang kinapos ako sa oras sa paggawa dahil sunod-sunod din ang quizes ko sa mga subject, Late palagi ako matulog sa gabi. Ayokong may maibagsak na subject, pero sobrang nagiging hectic ang schedule ko.

Kinagat ko ang labi ko ng makaramdam ng pagkahilo. Huminto ako sa corridor tapos pinunasan ang pawis na dumadaloy sa mukha ko.

“Joey! Oh my Gosh! Totoong magkasama kayo ni Brian?”

“Nagbakasyon kayo sa ibang bansa ng magkasama? Nakakainggit!”

In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon