Chapter 75

12.7K 175 8
                                    

“Ayoko na, Lance. Hilong-hilo na ako.” Tawang-tawang sabi ko kay lance pagkatapos ay umupo sa isang bleachers sa star city.

Umupo si Lance sa tabi ko. “Nakakailan palang tayo, hilo kana agad?” tanung nya.

Ngumise ako. “Pakiramdam ko susuka na ako anytime. HAHA. Sakit sa sikmura!” utas ko.

“Oh sige, wag na muna tayo mag-rides. Sa horror house naman tayo.” Aniya. Humarap ako sa kanya, Nakangiti sya sakin kaya napangiti nadin ako.

 

“Bakit ganyan ka makangiti?” tanung ko sa kanya.

Umiling-iling sya. “Wala lang. Masaya lang ako.”

“Bakit?”

Ngumuso sya. “Hm… kasi, mukhang ayos kana.” Aniya.

Napatigil ako sa sinabi nya. “Sigurado kang ayaw mo umiyak?” tanung nya sakin. Hinampas ko say sa balikat dahil doon. “Baliw ka talaga. Sinabi ko na, hindi na ako iiyak.” Utas ko.

Yumuko ako pagkatapos. “Siguro may mga bagay lang talaga na kahit gaanu mo kagustong makuha, hindi para sayo.” Humarap ako sa kanya pagkatapos ay ngumiti.

“Hindi lang talaga kami ni brian ang para sa isat-isa. Kita mo ung babaeng kasama nya kanina? Ganun! Ganun ang bagay sa kanya.” Tumayo ako pagkatapos ay naunat-unat sa harapan ni Lance.

“Hindi kami parehas ni Brian ng ginagalawang mundo.Unang-una palang naman talaga tutol na ang lahat sa amin, Lalo pa kaya ngaun, Lalo syang sumikat dahil sa pagmomodel nya kasama ng magandang babaeng yun. Tsaka, tingin mo. Wala pa silang relasyon? Imposible diba?” utas ko.

Nakatingin lang si Lance sakin.

“Ang gagawin ko. Kakalimutan si Brian,Magtatapos ng pagaaral at lalayo. Magsisimula ng panibagong buhay..” tumingala ako pagkatapos ay tinanaw ang bubungan ng star city ng hawakan ni lance ang kamay ko.

Napatingin ako sa kanya dahil doon.

“I’m always be right here.. Di ka mag-iisa.” Aniya. Ngumite ako pagkatapos ay tumango-tango sa kanya.

“Lets go?” aniya.

Ngumite ako tapos nagpatinaod sa kanya.

Pumaso kami sa horror house pagkatapos. Madilim sa loob na todo ang kapit ko sa polo ni lance. Madami ding pumasok sa loob pero mukhang hindi sila nakakaramdamn ng takot dahil kadalasan sa mga babae ay kay lance lang ang tingin.

 

“Kyah!” tili ko nang may lumitaw na ulo sa harapan ko.

“HAHAHA. Halika nga.” Utas ni lance pagkatapos ay hinawakan ang kamay ko. Nangiyak-ngiyak akong humarap sa kanya.

 

“L-lance. Labas na tayo…” utas ko. Tawa ng tawa si Lance habang naglalakad kami doon. Umismid ako. Wala na bang katapusan ang tunnel na ‘to? Bakit ang daming pasikot-sikot?

In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon