Chapter 55

12.6K 176 4
                                    

Joey POV

This is crap. Palabasin ba naman ako ni brian? What up with him? Nakakainis na!

Padabog akong naglakad papuntang garden ng school. Magkasama nga kami ni Brian sa iisang bahay pero pakiramdam ko he’s still far away.

Yang chris na yan! Bwisit! My stupid sister carbon copy.

Magkamukha talaga sila huh?

The same hair as my stupid sister who take everything away from me.. especially the only person I love. BRIAN.

Simula palang nung mga bata kami.. nung nakita ko si brian, alam ko sa sarili ko na mahal ko na sya.

Nasa states pa si Ate noon, 2nd family kami. Nabuntis ni Daddy ang mama ko ng hindi sinasadya. Manulat ako sa katotohanang, nasa ate ko lang ang lahat. Ang lahat-lahat. Ang attensyon ng mga tao sa palagid, Ang attensyon ni papa. Kesho sya daw ay maganda, Matalino, Mabait, pang-model ang katawan at itsura.

Not unlike me daw. Pero.. did they know me already? This is crap! Bata palang ako, Paulit-ulit na nila isinasampal sa akin na walang-wala ako kumpara sa Ate ko.

Napatawa ako.

Sabagay, Anak lang naman ako sa labas. Bullsh*t!

I was just eleven years old back then pero sobrang laki na ng naipong poot sa kalooban ko dahil sa inggit ko sa kapatid ko. 2 years after my mom passed away, Napunta ako sa pamilya ni Ate. Mabait si tita sakin knowing na 2nd family kami. At isa akong… pagkakamali.

But still, Si ate, si ate padin. Sya nalang palagi, Palaging mataas ang nakukuha nyang grades sa school kesa sa akin.

“Joey, Dapat gayahin mo ang Ate mo. Kita mo? Ang tataas ng grades!” yan ang palaging linya ni Daddy kapag nakikita nya ang mga grade slip namin.

Palagi kaming nakokompara, at masakit sa akin iyon dahil.. Alam ko noon, Sa sarili ko. Wala akong laban sa kanya.

Sino ba naman ako? Anak lang ako sa labas! Hindi ako maganda. Hindi ako kasing seksi nya. Hindi maganda ang kutis ko tulad ng kanya, dahil nagmana ako sa nanay kong morena. Kulot ang buhok ko at buhaghag, Hindi katulad sa buhok nyang kulot ang dulo at sobrang shiny.

Sa tuwing sinusuklayan sya ng mommy nya. (My tita) Hindi ko maiwasang mainggit. Kahit kelan sa tanang buhay ko, Hindi iyon nagawa sakin ng nanay ko. Maybe because, Hindi naman maganda ang buhok ko. Inggit na inggit ako sa buhok nyang kulay kahoy, Hanggang bewang at kulot sa dugo. Mukha syang prinsesa. Sobrang ganda nya.

Palagi kong pinapangarap na magkaroon ako ng ganung klaseng buhok.

“Joey, Maganda din ang buhok mo!” nakangiting saad nya sakin. Sinimangutan ko sya tapos itinulak sa pool. Nagkusa ang kamay ko.

In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon