Chapter 82

12.1K 195 10
                                    

Wala nang ginawa si Brian kundi ang ngumise kahit habang kumakain kami.

Nagsasalubong ang kilay ko sa tuwing nakikita ko ang nakangise nyang mukha. Hindi kaya mapunit na ang labi nya sa kakangise nyang yan?

Bumuntong-hininga ako.

Anu bang pumasok sa isip nang unggoy na ‘to at ginawa nya un kanina? Ngaun lang nagsinsink-in sakin ang lahat. For petes sake! Siguradong headline na naman kami nito.

“Nice one, Chris!” utas ni ella sakin. Lalong pumula ang mukha ko.

“tumahimik ka nga dyan.” Pagsusungit ko sa kanya.

Umismid sya. “Why? Eh, kinilig ako sa inyong dalawa eh.” Aniya.

Sumimangot ako pagkatapos ay bumaling kay brian. Nakikipagtawanan na sya ngaun sa B4, pati nadin kay Lance.

Ayos na nga sila.

Naramdaman ko ang pagvibrate nang cellphone ko kaya naman kinuha ko iyon sa bulsa ko.

From: Brian

I love you.

Nanlaki ang mata ko pagkatapos ay agad na napatingin sa kanya.

Uminit ang pisnge ko nang makitang nakangese sya sakin.

Umiling-iling ako pagkatapos ay itinago ang cellphone ko sa bag. Tumunog ang second bell. Tapos na ang break namin.

Agad akong tumayo para pumunta na sana sa room ko nang maramdaman ko ang paghawak ni Brian sa kamay ko.

“B-bakit?” tanung ko sa kanya.

Sumimangot sya sakin. “Tss! Ihahatid kita sa room mo!” aniya.

“Bakit mo pa ako ihahatid? Dyan lang naman ung room ko ohh.” Utas ko pagkatapos ay tinuro ito.

Nagsalubong ang kilay nya sakin. Bumuntong-hininga sya pagkatapos ay kinuha ang bag ko.

“Akin na nga yan!” aniya.

Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya. “hoy! Hoy! Bag ko yan ah!” utas ko.

“Can’t you understand? Im courting you! So let me do this! Tsss.” Masungit na sabi nya bago hinawakan ang kamay ko at hinatak ako palabas.

Yumuko ako nang Makita ang iilang mata ng mga estudyante na nakatingin saming dalawa.

Wah. Gusto ko nang ibaon ang mukha ko sa lupa dahil sa hiya.

“Chris, Look.” Aniya.

Napatingin ako sa kanya dahil doon. Nalaglag ang panga ko nang tignan ung tinuturo nya sa flat screen tv na nakasabit sa wall doon.

Pinapalabas ang nangyari kanina sa gymnasium.

Wah!

“Wah! Anu yan!” utas ko tapos tinuro iyon. Binalingan ko ang tawang-tawang si Brian. “patigilin mo!” sigaw ko sa kanya.

In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon