Christina’s pov
Its been 7 days. 7 days. Nakakainis. Pakiramdam ko palagi akong loner dahil walang gustong pumansin sakin sa room. Si ella palaging busy dahil sa dance troupe nya. Buti nalang anjan si lance, hindi nya ako pinapabayaan. Madalas nga kaming nagkakasama e, at aaminin ko.
Namimiss ko si pervert devil. Miss na miss ko na talaga sya. Ung awayan namin,sigawan. Tss. Nakakainis sya! Bakit ba sya nakipag break ng dahil lang sa maling akala? Anu nalang ang sasabihin ko sa mommy nya at kay lolo doremon? Tss.
Pag magkakasalubong naman kami sa hallway parang hangin lang ako na hindi nya nakikita. Ilang beses ko syang sumukang lapitan pero sa tuwing gagawin ko un may kung anung humihila sakin para tumigil.
Pakiramdam ko, parang lalong lumalim ung galit nya sakin. Hindi ko naman sya niloko.. hindi naman.. consider as cheating ba yung ginawa ko? Tss. Diba dapat ako pa nga ung magalit sa kanya? Npahawak ako sa noo ko, Di ako sanay ng ganito. Parang may kung anung mabigat na bagay ang nakadagan sa puso ko, Di ako sanay..
Naglalakad na ko papuntang room ngaun, sa totoo lang wala naman talag akong balak sanang pumasok, kaso ayaw ko namang napabayaan ang grades ko..
Natatanaw ko na ung pinto ng room namin ng harangin na naman ako ng grupo ni melissa at patidin ako.
“aray.” Nadapa ako. Tumingala ako sa kanila tapos pinukol ko sila ng masamang tingin.
“anung problema nyo?”
“ikaw!”
“ako? Problemahin nyo ang pagaaral nyo, wag ako”
“im so glad break na kayo ni brian.”
“yeah right girl, siguro nagsawa na sa kanya. Napag sawaan ka naba ha?”
Anu daw? Mga bastos to aah.
“pwede ba, wala kayong pakialam padaanin nyo na nga ako.” Sabi ko pero tinulak nila ako.
“aray ha. Nakakadalawa na kayo.”
“at ito ang pangatlo,” sabi ni melissa at sinampal ako. Napaiyak ako, wala sa planu kong magpakita ng kahinaan sa kahit na sino pero sa pagkakataong to’ para bang lahat ng lakas ko ay unteng-unteng naglaho sa katawan ko, I cry hindi dahil masakit kundi dahil alam kong I don’t deserve that slap.
BINABASA MO ANG
In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall Inlove
HumorSi Christina ay isang anghel, hindi literal na anghel pero ganun ang tingin sa kanya ng lahat. isang simpleng babae na may simpleng pangarap at buhay not until there's Brian Thomas Fuentes, isang "DEVIL" ika nga iba. nagtagpo ang kanilang landas ng...