Chapter 54

13.3K 188 8
                                    

Chris POV

 

 

Sa second class na ako nakapasok dahil ayokong makita nila ang namamaga kong mga mata, Naiinis at nafrufrustrate ako sa sarili ko dahil ang nagagawa ko lang ngaun ay ang umiyak. Pagpasok ko palang kanina nakakunot na ang noo ni ella, julie at alex sakin. Malamang nalaman nila ang nangyari kanina,

Nakatitig lang ako sa professor kung panay ang sulat sa blackboard, Wala akong naiintihan sa klase, Puro si Brian at joey lang ang nasa isip ko.

Tumunog ang first bell. Umupo ang professor namin sa harap, Isa-isa ko namang inilagay ang notebook ko sa bag.

“Class, Meron announcement na naipost na sa bulletin board, Since. Alam ko naman na di kayo nagbobother tignan ‘yun, Ako na ang magsasabi sa inyo. Since, patapos na ang sem na ito, Magkakaroon ng college night sa lahat ng year level at course sa FIU. and that will be you night! This will be fun, since all of you will be wearing those suits and beautiful gown.. I looking forward for it..”

Napa’whoah’ ang mga classmates namin sa nadinig. Taon-taon ginanap ang college night sa FIU. Second year na ako. Nung first year naman, Si ella lang ang pumunta dahil may intermission number sila, which is dancing. Ako? Ayun. Nagkasakit ng time na iyon kaya nagkulong ako sa bahay, Isa pa, Wala naman akong makakadate noon.

Matamang sinariwa ko ang araw na ‘yun. Wala pa ang B4 dito.Wala pang brian. Isang normal na studyante lang ako. Ni, Hindi nga ako napapansin ng mga tao sa paligid ko. Hanggang sa isang araw, Hinila ako ni Brian sa iskinita at hinalikan,

Inaway ko sya, Kumalat iyon sa school newspaper. Nalaman ng mama nya at viola! Instant boyfriend na may instant goal. Yun ay ang mapasaya sya.

Akala ko, hindi ako maiinlove sa taong yun. Nasa kanya na ata lahat ng masamang katangian sa mundo, isang taong hawak padin ng nakaraang nya. Pero my world just turn up side down. Hulog na hulog ako sa kanya ngaun.

Mahal na Mahal ko sya.

“Kyah! Mukhang mas magiging masaya ngaun dahil andyan ang B4!”

“Im so excited! Im gonna wear my most beautiful gown ever!”

“also, you can get you own date for that night. It’s up to all you. Pwedeng outsiders din. So, that will be on Saturday Next week. I hope. Makapunta na ang lahat since after that, Final exams na. And then vacation and sa pasukan, Start of another year na para sa inyong lahat!”

 

 

Naghiyawan ang mga classmates ko. So, magpapakasaya muna bago ang hell week.

“Joey! Im sure, ikaw ang magiging pinakamaganda doon!”

Binalingan ako ni joey. Napatingin naman ako sa kanya pero irap agad ang natanggap ko. “Yeah. Anu pa nga ba?” mayabang na utas nya.

In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon