Chapter 68

12K 167 7
                                    

CHRIS POV

Today is Monday.

Pasukan na naman, nung Saturday party. Tapos nung Sunday umalis na si kuya papuntang amerika. Kunwari pa si alex, pero nung pasakay na si kuya sa eroplano. Bigla ba naman nyang hatakin tapos umiyak sya ng malakas.

Kunwari pa. di naman kayang mawalay kay kuya.

Kasabay ko sila ni ella ngaun pumasok. Tahimik lang kaming naglalakad. Nung marating na namin ung gate. Pumasok na kami at nag ‘good-morning’ kay manong guard.

Dumaan muna ako sa locker ko para magpalit ng sapatos. Pagbukas ko palang ng locker ko may mga letter na.

“im so glad, wala na kayo”

“you’re a bitch”

“you didn’t know where you belong kasi!”

Puro ganyan ang nakalagay. Sanay na ko. Sa araw-araw ba naman e, sinarado ko na ung locker ko matapos kong ilagay lahat ng letter sa supot.

Pumunta ako sa basurahan at tinapon un. Ganito nalang araw-araw. Nagtatapon ako ng basurang papel sa basurahan.

Pagpasok ko saktong dating na din nung professor namin. Naglecture sya ng kung au-anu, pero nakatingin lang ako sa bintana, pinagmamasdan ko lang ung mga tao sa baba na mukhang mga langgam dahil ang liliit nila.

Bumabalik sakin ang araw na bagong pasok palang ako dito, walang nakakakilala sakin, ni hindi ako pinapansin ng iba. My whole world just turn up side down. Pinaglaruan ang tadhana, nakilala ko si Brian. Nagkaroon kami ng deal, Nainlove ako sa kanya. Naging saksi ako kung paanu nabuo ang pagmamahal sa pagitan ng B4 at ng mga kaibigan ko.

Bawat yugto ng lovestory nila ay nanduon ako, Akala ko magiging maayos ang lahat, sa huli. Ako padin pala ang naiiwang luhaan.

Gumigising ako bawat araw at iniisip na sana panaginip lang ito, pero hindi..

Wala na talaga kami. Wala na nga.

Masakit sakin. Si brian, first love ko at first boyfriend. At first heartache din.

Natapos ang klase ng hindi ko namamalayan.

“Tara, sa tambayan! Kain tayo.” Utas ni Ella sakin. Ngumite lang ako tapos nagsimulang ligpitin ang gamit ko.

Sabay-sabay kaming naglakad nila ella, alex at julie papuntang tambayan. Pagpasok palang namin doon ay sinalubong na ako ng masamang tingin ni Joey,

Nagiwas nalang ako ng tingin. Anu pabang gusto nya? Sa kanya na si Brian ngaun, Diba un naman ang gusto nya noon pa?

Umupo ako sa tabi ng nakangiting si Lance, Ngumite din ako sa kanya. Ginulo nya ang buhok ko tapos inipit iyon sa tenga ko kaya nakita ang piercing ko.

In a Relationship with a DEVIL Book I - Fall InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon