AH 9: A Talk with Dark Demons

643 33 3
                                    

Pagkalabas namin nang dorm eh kinaladkad ako nito si Cloud papuntang ewan ko place. Kanina pa nga kami lakad ng lakad eh sa sobra na ata ang layo nito eh. Halos mapudpud na yung Heels ko.

Sakit pa naman sa paa!— HELLO CLOUD! Naka-eight inch Heels ako dito!— YUHOO!! MASAKIT! Makaramdam ka naman sana!

"Where are we going?" I asked "Seriously?"
"Wag ka na nga tanong ng tanong, Cutie" naiiritang sita sakin ni Cloud
"Eh san nga kasi tayo pupunta ha?"
"Basta" he simply said "Wag ka ng makulit at tanong ng tanong kung hindi papaluin kita" babala niya pero halata sa tono na nang aasar lang siya.
"Dami mong alam" Bulong ko, sana hindi niya narinig.
"What did you just said?" he asked me
"Wala sabi ko gwapo ka kaso bingi lang"

Tumigil naman siya sa kakaladkad sakin at tumingin ng napaka-seryoso sa mga mata ko. Napalunok ako ng laway dahil sa takot. Naoffend ko kaya siya?

"Ano yung sinabi mo?" tanong nito.

Lumunok na naman ako sa sobrang takot sa aura niya kasi para siyang mangangain sa itchura niya eh. Katakooooot.

"W-Wala" kinakabahan na ko sa kanya.

Pero lalong itong naging seryoso pero maya-maya ay bigla na lamang ito humalakhak.

"Grabe! Ang Epic ng itchura mo, Cutie" he said while laughing at me "Parang ganito oh" ginaya niya pa yung pagkatulala ko na parang takot na takot, jusme!
"Ang sama mo!" naiiyak kong sabi sa kanya, muntik na kong atakihin sa takot sa kanya.
"Bakit?"
"Kala galit ka eh" sabi ko, halos mangikif ang mga luha sa mga mata ko. Napanguso na lamang ako.

Nag-smirk lang siya sakin at ngumiti.

"Sorry" He apologize to me. Sabay hatak uli sakin kung saan man.

Sa simpleng word na yun bigla na lang akong napangiti. Ang Sweet naman talaga ni Cloud. After seven minutes of walk ay nakarating kami sa— TEKA?

CAFETERIA BA TO? Ba't mukhang DINING HALL?!— Ang gandaaaaaaa!

"Anong gagawin nating dito?" takang tanong ko "Tsaka cafeteria ba to?"
"Kakain tayo dito, okay?" he said habang naghahanap ng bakanteng upuan "At Oo Cafeteria to"
"Pero ba't mukhang dining hall?" I asked, again. "Ang sosyal naman"
"Malay ko" he simply said "Tanong mo dun sa nagpagawa o kaya dun sa founder nitong school" dagdag pa niya
"Grabe, ganda ng sagot mo ha" I sarcastically said
"Syempre" he said as he smile at me then winked, pilosopo!

Nagulat na lamang ako na hindi pala siya naghahanap ng mauupuan dahil papunta kami sa isang mesa na pinalilibutan ng ka-myembro niya.

"W-Wait l-lang Cloud" sabi ko habang hinahatak yung braso ko.

Pero dahil mas matangkad at mas malakas siya sakin ay nahatak niya pa rin ako at pinupo kasama ang gang nila.

"Ba't mo siya inilabas ng dorm, Cloud" mariing tanong ni Darren kay Cloud
"Bored siya eh" simpleng sagot nito kay Mister President.

Hindi na lamang sumagot si Darren at pinagpatuloy ang pagkain niya habang nakatingin ng super sama sakin. Teka ano ginawa ko?

Maya-maya ay biglang tumayo si Cloud.

"Wait!" pigil ko sa kanya sabay hawak sa braso nito.
"Bakit?" tanong niya sakin, nagtataka.
"San ka pupunta?" Bulong ko sa kanya.

Aba! Ayokong maiwan sa ka-gang niya noh. Nakakatakot kasi yung aura nila eh para nila akong kakainin ng buhay.

Mas game pa kong kasama tong si Cloud kesa sa ka-gang niya at lease kahit na nakakatakot si Cloud bumabawi naman na pagpapatawa at pang-aasar.

Panatag ako sa aura na ganun.

Axvy High: School of Bitches and Jerks ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon