AH 45: Hint

238 17 5
                                    

"T-Tulong!"

Nagkatingin naman kaming lahat.

"Hey, sino yan?"
"Please kahit s-sino, maaawa k-kayo" rinig kong iyak ng isang babae "A-Ayaw ko pang mamatay"

Agad namang tumakbo si Kuya sa yero at agad itong binuksan at dun naming nadatnan ang isang sugatan babae na akay-akay na isang pamilyar na lalaki.

Teka! Si ano to ah...

"Drake!" Spade shrieked.
"Knight" ani naman ni Drake.

Agad naman pumunta si Spade kay Drake para tuluyang alalayan ang babaeng sugatan. Sumunod naman si Kuya at tumingin-tingin sa paligid bago isara ang yero.

Inalalayan nila sa tabi ko ang babaeng sugatan. Di naman nakatakas sa akin ang pamumula ng mukha ni Brenda na napalitan ng nagkairita ng napayakap ang babae kay Drake.

Hmm... Someone is jealous.

"Hi" bati niya sa akin.
"Hi"
"I'm Princess na isa ang S"
"Ah, di ba nakumpleto ang Princess mo Princes?"
"Yup! Kala kasi ng parents ko lalaki ako kaya dapat Prince eh nang malamang babae nadagdagan lang ng S. Nice to meet you?"
"Veronica" pagpapakilala ko. "Sila naman sila Kuya Vince, Brenda, Blaire, Nurse Jess, Spade, Axel at Baby Rainel"
"Ah kilala ko sila, istudyante rin ako sa Axvy. Maliban lang sa kanila" turo nito kila Axel, Kuya At Rainel.

Tumango-tango naman ako.

"Great! Another sagabal" iritang sabi ni Blaire.

Napayuko naman si Princes.

"Pasensya na" ani nito.
"Wait gagamutin kita." Ani ni Nurse Jess sabay lapit kay Princes "Cid right?"
"Opo"

Napataas naman ang isang kilay ko. Anong Cid?

"Cid. Apelido ko yun"
"Ahhh, Sorry di ko agad na-gets" hingi ko ng paumanhin "So, Princes Cid?"
"Oo"
"Ah-Aray!" daing nito
"Sowie" sabi ni Nurse Jess. "Patiisan mo na lang muna to. Hahanap pa kasi muna ang mga kasama natin nang dahon. Wala tayong gamot kaya babalutin ko lang ang sugat mo."
"Walang problema"
"Kayong apat, umalis na kayo. Hanapin niyo na ang mga gamit na needs ko for medication. And foods and water ha?" bilin niya kila Kuya, Axel, Brenda at Spade.
"Oo na oo na" Brenda rolled her eyes.

Akmang lalabas na sila nang pigilan ko ang mga ito.

"Bakit?"
"Dalhin niyo na ito" sabay hagis ko ng mga sandatang napulot ko.

Napanganga naman sila.

"Andami niyan ah" sabi ni Brenda.
"Di naman" sabi ko.

Isang set ng pana, anim na baril na iba't-iba ang modelo, dalawang tirador, pitong iba't-ibang klase ng kutsilyo, isang itak, at isang maliit na bomba.

Yan yun nakuha ko dun sa mga patay na lalaki. Di ko na lang ibinigay sa kanila ang Tartarus' Hell dahil gaya nga ng sabi ni Axel. Ako lang ang nakakagamit ng nun.

"Hindi ko alam na ganito to karami, akala ko kaunti lang ang dala mo" sabi ni Axel.
"Like wow" sabi ni Brenda "Andami. Kukuha ako ng baril at kutsilyo ah?"
"Sige lang"

Nagsikuhaan naman din sila Axel, Spade at Kuya.

"Yung laway wag niyo kakaligtaan ah?" sabi ni Nurse Jess habang nag-iisis ng kahoy.

Tumango lang silang apat. Binuhat naman ni Axel si Rainel at dinala sa pwesto namin ni Princes. Hiniga ko ang nanginginig na ulo ng bata sa binti ko.

"Ikaw na muna ang bahala sa kanya" bilin sa akin ni Axel.
"Oo" ani ko "Walang mangyayari sa kanya, pangako"
"Salamat" Axel smiled.

Lumabas naman na ang apat at sinarado naman ni Drake ang yero.

Axvy High: School of Bitches and Jerks ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon