AH 50: Nexus Mafia

277 15 5
                                    

"Naku, Venus. Dalawang araw ka pa lang naman dito, baka pupwede magtagal ka muna. Nakakalungkot kasi sa panandalihang napunta ka dito ay kay gaan na ng loob ko sayo." Halos maiyak na sabi ni nanay Adelia
"Naku nanay mami-miss po kita super pati na yung mga luto niyo po. The best talaga! Wag po kayong mag-alala kapag okay na ang lahat, pangako po, dadalaw po ako sa inyo dalawa ni tatay Roman"

Biglang naman umiyak si nanay Adelia at agaran sumugod nang yakap sa akin, ganun rin si tatay Roman.

Nasa may talon kaming apat kasama si Delio, napagdesisyonan ko kasing pumaroon na sa Nexus Mafia, ang lugar ni Master. Mas ligtas ako dun at hinding-hindi ako mahahabol ni Death at isa pa, ayokong madamay sila nanay Adelia, tatay Roman at Delio sa panganib na humahabol sa akin. Mas mabuti nang ganito ako ang lumayo kesa kasama nila at mapahamak sila at mamatay, ayoko nun, hindi ko kakayanin.

Huli na sila Miss Angel at Miss Mina na bumuwis ng kanilang buhay para sa akin.

"Mag-iingat ka, Venus, anak. Pati na rin ikaw Delio, anak. Umuwi ka pagkatapos" bilin ni nanay Adelia.
"Opo, nay" humalik pa ito sa nanay nito. "Tay?"

Tumango naman si tatay Roman sa anak at tinapik ito sa balikat.

"Tay Roman, salamat po sa lahat ah?"
"Walang anuman, anak. Tandaan mo kapag may kailangan ka bumalik ka lang dito, welcome na welcome ka sa bahay namin" nakangiting sabi nito.
"Hindi na b-ba m-magbabago ang i-isip mo V-Venus a-anak?" umiiyak na sabi ni nanay Adelia.
"Nanay naman!" maktol ko sabay nguso "Kapag ganyan ka mahihirapan talaga akong umalis niyan"
"Ayoko t-talang u-umalis k-ka a-anak, Gusto kita, gusting-gusto k-kita." Yumakap ito muli sa akin "S-Sana tunay na lang kitang anak, para mautusan kita dumito na l-lamang"
"Aww, nanay n-naman" halos maiyak na rin ako "Gusto rin po k-kita, at nanay naman kahit hindi niyo po ako, anak. Para sa akin tunay na p-po kita nanay"

Mas napahagulgol naman ito lalao at humigpit pa ang yakap sa akin.

"Nay, aalis na po kami" singit ni Delio.

Napabitaw naman kami ni nanay Adelia sa yakapan at kalaunan ay nagtawanan na.

"Oh, mga anak, ingat sa byahe. Dalhin niyo na rin ito" bilin ni tatay Roman sabay abot nang tig isang baril sa akin.

Naalala ko bigla ang Tartarus' Hell, hindi ko alam kung nasan na yun ngayon. Kailangan kong mabawi yun. Agad naman naming kinuha ang mga baril kay tatay Roman at agad ng lumabas sa likod ng talo, medyo masikip ang papalabas at nakakahilo ang mga pasikot-sikot buti na lamang at alam ni Delio ito kaya hindi kami nahirapan, natakot pa nga ako kasi ang mga dinaanan namin ay puro bangin.

Itong kasama ko parang sisiw na sisiw lang sa kanya ang daan eh ako nga pakiramdam ko lalamunin na ko ng bangin kakadaan namin.

Nakahinga na ako ng maluwag ng makalas kami sa talon.

"Sa wakas!" sigaw ko sabay higa

Ngumisi naman si Delio at bahagyang natawa. Napanguso naman ako dito at mariing sinamaan ito ng tingin. Tumigil naman ito at napatingin sa ibaba, Ganyan nga Delio.

"Makuha ka sa tingin"
"Ito naman, ang pikon"

Inismiran ko lamang ito.

"Bumangon ka na diyan" utos nito "Kukunin ko lang ang kotse sa kweba."

Tumaas naman ang isang kilay ko dito, napakrus pa ko ng braso.

"May kotse ka pala?"
"Kakasabi ko lang di ba?" pilosopo! "Sa tingin mo malalakad natin ang layo nun? Wala nga tayo sa syudad kung inaakala mo, madame. Nasa malayong probinsya tayo."
"Nasan ba tayo?"
"Aurora, Isabela."

HOLY MOLLY?! NAPAKALAYO KO PA PALA SA KABIHASNAN!

"Totoo?! Seryoso ba yan?"
"Mukha ba akong nagbibiro?"

Axvy High: School of Bitches and Jerks ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon