Napatakbo ang lahat ng makitang papalapit ang higanteng halimaw na si Hellion.
Nanigas ako at napatitig sa kabuuan nito— Grabe! NAPAKALAKI NIYA.
Naramdaman ko na lamang na umangat ako sa lupa at nang tignan ko kung sino ang bumuhat sa akin ay lumamlam ang ang mga mata sa pag aalala.
"Xavier"
He save me, again.
"So stubborn!" He hissed "Hindi ba dapat nasa ligtas kang lugar?"
Nagsimula siyang tumakbo kaya napakapit ako sa leeg niya.
"Answer me!"
Nagitla ako dahil dun, napalabi ako sa kanya.
"Ayaw ko lang makitang nahihirapan ka," sagot niya kasabay ng pagtulo ng aking luha "mahal na mahal kita, Xavier"
Lumamlam ang mata niya ng makita akong umiiyak kasabay nun ang paghalik niya sa aking noo.
"Mahal na mahal din kita, Venus" tugon niya "I think I can't live without you by my side"
"Mas mahal kita nu ka ba?"Natawa kami pareho.
"Oy! Tama na nga yang landian niyo dalawa!" Pretzel hissed, gaya ni Xavier at ng ba tumatakbo rin ito "Nasa panganib tayo nagawa niyo pa ang bagay na yan!"
Narinig ko naman may mga tumawa, tumingin ako sa likod ni Xavier at dun ko nadatnan ang mga miyembro ng DMB, SSB, Dark Demons, DeadBlood at ang mga istudyante ng Axvy na tumatakbo rin.
Napatago ako sa dibdib ni Xavier dahil sa hiya, natawa siya sa akin.
"So my slave is shy" bulong niya sa akin.
Bahagya ko siyang hinampas. Ang tigas! Parang ako pa ata ang nasaktan.
"Hindi ah!" Tanggi ko.
Natawa na naman siya.
"Shut it!" Putol naman ni Darren sa amin.
"Guys bilisan niyo ang takbo!" Hiyaw naman ni Rain sa malayo "Jusko! Gusto ko pang mabuhay!"
"Wag kang mag alala, mamahalin mo pa ko!" Sigaw naman ni AxelNagsigawan naman ng mga lalaki sa banat ni Axel.
"Nice one Admin A!"
"Putangina niyo! Mamaya na kayo magbantan mga gago!" Hiyaw naman ni Brenda "Banatan ko kayo diyan eh"
"Ako na lang banatan mo babe!" Sigaw naman ni Drake.Muli nagsigawan ang lalaki, napailing na lamang ako sa tawa.
"Jusmiyo kayong matatanda kayo! Dalian niyo! Dito! Dito!" Sigaw naman ni Vixie bago pumasok sa court
Sunod sunod naman kaming lahat na nagsipasok at nang makitang wala nang kasunod ay isinara na nila ang malaking pinto nito.
"Guys tahimik!" Sigaw ni Vixie kasabay nun ang pagsara ng ilaw sa buong court.
Narinig naming lahat ang malakas na alulong nito tanda na malapit lamang ito sa pinagtataguan namin lahat.
Napayakap ako kay Xavier sa sobrang takot, napatingin naman ako sa buong paligid at gaya ko takot na takot din ang mga istudyante sa presensya ni Hellion.
Ilang minuto din ang itinagal namin sa pananahimik hanggang sa nawala na ang presensya ni Hellion, ichineck pa muna ni M kung nandyan pa ba o wala ang halimaw at nang makumpirmang wala na, nakahinga na ang lahat.
Kanya kanya silang hanap sa mga kasama at kaibigan nila.
"Sistah!"
Napabitiw pa ako sa yakap namin ni Xavier na marinig yun at nakita kong humahangos na tumatakbo sila Brenda, Rain, Empress, Pretzel at Nixie papunta sakin.
BINABASA MO ANG
Axvy High: School of Bitches and Jerks ✔️
Mystery / ThrillerVenus Cleo Vanvuich, a kind, loving and innocent girl. She pitied herself for transferring to Axvy High where all students have bad attitudes. She transferred because of her bitchy twin sister, Veronica. Believing that she is to blame for their moth...