AH 43: Meet AXVY

267 19 7
                                    

"Patayin mo na please"

Napatili ako ng sobrang lakas sabay ang mariing pagpikit ng paputukin niya baril na hawak niya malapit sa binti ko, akala ko matatamaan niya ang binti ko pero ng pagmulat ko ganun na lamang ang aking pagtataka ng makitang hindi ako tinamaan.

Ang galing niya!

"Okay na" nakangising sabi nito ng mapatay ang nano-chip.

Mabilis itong lumapit sa akin pero agad ding nawala ng makita ang kalagayan ng binti ko. Bigla ay parang hindi ako makalakad.

Napatingin din ako sa binti ko ng makita nagdurugo ito, nakakapit pa ang nano-chip na kasing laki lang ng palad ko, agad akong dinaluhan ni Axel at kinuha ang patay na nano-chip. Pinunasan niya ang dugo kong may halong kulay itim na dagta na nanggaling sa nano-chip.

"Fuck!" he cursed "Dapat di kita iniwan eh, tsk!"

Pinupunasan niya ko at ako nakatingin lamang sa kanya.

"A-Ano ba yang dagta na y-yan?" tanong ko
"Hindi ko rin alam" sagot nito "Hindi pa kasi ako nakakapitan ng nano-chip nay an, pero base sa mga nakita ko sa ibang biktima nito posibleng lason ito"

Namutla naman ako sa sinabi nito.

"M-Mamamatay b-ba ko?"

Napatingin ito sa akin at tinigil na ang pagpunas sa binti ko.

"Hindi ko alam, Pasensya na talaga, Veronica" ani nito bago tumayo.
"S-Saan ka pupunta?" tanong ko
"Kukuha lang ng mga gamit, aalis na tayo, ngayon din. Panigurado alam na ng halimaw na narito tayo"

Tumango naman ako at agad binalota ng nagdurugo kong binti, hindi pa rin natanggal ang itim na dagta kaya hinayaan ko na lamang, nakakatakot nab aka nga lason ito pero kung yun nga hahanap ako ng solusyon para dito.

Hindi ako pwedeng mamatay, hindi ngayon, hindi bukas at sa mga susunod na mga araw. Kailangan ko munang malaman ang lahat, at kailangan ko pang iligtas ang lahat.

Sinubukan kong tumayo kahit na nahihirapan ako dahil sa sugat ko, mga ilang hakbang ang ginawa ko ng agad akong bumaksak, ramdam ko ang panginginig nito hanggang sa naramdaman ko na lamang ang pagiging paralisado nito, agad akong natumba pero naagapan naman iyon ni Axel.

Naginginig at naiiyak akong napatingin sa kanya.

"A-Anong n-nangyari sa m-mga b-binti k-ko?" naiiyak kong tanong.

Napatingin naman ito sa gilid.

"Mukhang isang yan ng klase ng gamot o droga na nakakapagparalisa sa mucles na biktima. Paumanhin Veronica pero mukha...." Hindi nito natuloy ang sasabihin inilapag ako nito sa may gilid malapit sa tent niya.
"Ang ano?! Axel! Tell me! Lumpo na ba ako?! Tell me please!" nagsisisigaw na ko sa takot kasabay ng pagtangis ko.
"I'm sorry" yun na lamang ang nasabi nito at kinuha na ang mga gamit na kailangan.

Wala naman akong magawa kung hindi umiyak na lamang at panoorin siyang kunin ang mga kailangan naming gamitin. Naiiyak ako dahil mahina na nga ako naging lumpo pa ako.

Nakakainis dahil wala man lang akong magawa, mukhang magiging pabigat pa ako sa kanya.

"S-Sorry A-Axel" naiiyak kong sabi sa kanya.

Lumingon ito sa aking ng matapos niyang kunin lahat lahat ng mga kailangan namin.

"Wala kang kasalanan, Veronica." Nakangiti nitong sabi sa akin.

Napayuko naman ako.

"Hindi yun eh" ani ko "Magiging pabigat ako sayo nito, panigurado" dagdag ko.
"Wala kang kasalanan," sabi nito "At tsaka utang na loob ko sayo ang buhay ko, at responsibilidad kita dahil istudyante ka ng Axvy, hinding-hindi kita pababayaan dito. Magkasama tayong aalis sa impyernong ito, Veronica. Wag na wag kang susuko, simpleng pagsubok lamang yang nangyari sayo. Tandaan mong mas maraming pang mangyayari" dagdag nito, binuhat pa ko nito na siyang ikinagulat ko.
"M-Mabigat ako" ani ko.

Axvy High: School of Bitches and Jerks ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon