"Are we still at the same street?" Nag aalalang tanong ni Kiela sa nagmamanehong si Jill
"Wala na, ibang routa na ata to" sagot niya kay Kiela
"May word na ata meaning, hindi ka sure" sambit naman ni Kara
"Girls, girls, stop it" Helena interrupted "Let's focus to them" tukoy nito kila Pretzel at Empress na ngayon ay parehong walang malay "... Bago tayo magsuplong sa mga pulis, let's make sure na okay yang mga yan."Tumango ang lahat bilang pagsang ayon.
"Gosh! Namumutla na si Pretzel" halos nagpapanic na pahayag sa amin ni Suzie
"Diyos ko! Si Empress din!" Ani naman ni Emy, sabay paypay sa walang malay na babae
"Jill, wala ka bang alam na malapit na ospital o clinic man lang?" Halos mataranta ko na ding tanong.Natataranta namang umiling sa akin si Jill.
"Asan na ba talaga tayo?" Tanong naman ni Helena
"Ayun may post sign!" Biglang sabi ni Emy, itunuro pa nito ang post sign na nakita.Agad namang napatingin ang aming mga mata sa tinuran niya.
"Saint Angelic" basa ni Kiela "Sang lupalop to Saint Angelic na to?!" Himutok pa niya.
"Saint Angelic" ani ni Jill, inihinto niya pa ang sinasakyan namin at napatitig dun na parang may inaalala. "Tama!"Napatingin kami sa kanya. Nagtataka. Hindi naman niya kami sinagot kahit na nakita niya kaming lahat na nagtaka.
Agad niyang pinaandar ang aming sinasakyan. Ilang minuto din dumaan ang katahimikan ang kotse at hindi ko na nakayanan kaya tinanong ko na ang nagmamaneho.
"San tayo pupunta niyan, Jill?"
Ngumisi muna siya sa aking bago sumagot.
"I know this place" aniya
"Huh?" Napataas na kilay na sabi ni Kara
"May kakilala ako dito" sabi ni Jill sa akin habang nagmamaneho "Hope na dito pa siya nakatira"
"Sinong kakilala mo ba yan?" Takang tanong naman sa kanya ni Helena
"Mej" aniya "Mej ang pangalan niya, isa siya pinsan ko na alam ko nakatira lang banda dito"Tumango tango na lamang ako.
"Eh Jill, alam mo pa ba kung san banda yung bahay niya?" Sabat ko
Tumango siya.
"Oo, siya lang ang bahay na may nakatanim na Cherry Blossom sa bakuran" sagot niya.
Agad napako ang tingin ko sa mga bahay na nadadaanan at patingin tingin kung may nakikitang cherry blossoms sa paligid.
"Hayun! Hayun!" Masayang sabi ni Emy habang tinuturo ang bahay na nakita
Nakangiti namang tumango si Jill at iniliko ang kotse papapunta sa direksyon ng bahay. Pagkarating naman sa bahay ay agad kaming nagsibaba, maliban na lamang kay Emy na binabantayan ang mga walang malay na sila Empress at Pretzel.
"Tao po! Tao po!" Sigaw ni Kiela
"Mej! Mej!" Sigaw naman ni Jill
"Hoy! May natutulog pa dito!" Sigaw ng tao sa kalakip na bahay "Kung ayaw niyo pang matulog, magpatulog kayo!" Sabay dabog pa nito.Lahat kami ay napatulala sa sumigaw.
"Pambihirang yan" inis na sabi ni Kara "Parang tanga yung aleng yun ah"
"Hayaan niyo na" sabi ni Helena "Wag na lang tayo maingay"
"Anong wag magingay?!" Gigil namang sabat ni Jill "Hello?! Anong oras na kaya tapos may natutulog pa? Tangina! Tanghali pa lang kaya!"Nakukunsumisyon namang umiling sa kanya si Helena bago lumapit sa gate at nag doorbell.
"May door bell?" Asar na sabi ni Jill
Marahan namang lumingon sa amin si Helena habang naka-krus ang mga braso.
"Bahay ng pinsan mo tapos hindi mo alam na may doorbell?" Helena said sarcastically
BINABASA MO ANG
Axvy High: School of Bitches and Jerks ✔️
Mystery / ThrillerVenus Cleo Vanvuich, a kind, loving and innocent girl. She pitied herself for transferring to Axvy High where all students have bad attitudes. She transferred because of her bitchy twin sister, Veronica. Believing that she is to blame for their moth...