"Parang ang panget ko naman sa suot ko, Empress" sabi ko habang nakatingin sa salamin. "Ano sa tingin mo?"
Hinampas naman niya ako sa braso— sakit lang! Sadista!
"Wag ka ngang ano diyan!" Aniya "Maganda ka noh, OA ka lang"
Napanguso naman ako at muling tinignan ang aking repleksyon sa salamin, napabuntong hininga na lamang ako.
Hindi ko alam kung bakit sumama pa ako kay Empress nang tangayin niya ako dito sa Nexus Mansion, sing bilis ng kidlat na nandito ako at bonus na lamang na pinaayos pa ako sa mga alagad niya.
Ewan ko ba kung bakit ganito ang pakiramdam ko, feeling ko matatae ako na ewan— Basta! Ang hirap i-explain.
"Tara na, naghihintay na si Kuya Xavier sa baba" sabi niya, nanunukso ang tingin
Tumango naman ako at sinundan siya pababa at dun ko nadatnan si Craigh na angkla si Blaire sa braso habang kausap ang mahal ko.
Nakaramdam ata ako ng hiya ng bumaba kami, napansin naman agad kami ni Blaire.
"Oh em!" Blaire giggled "Ang diyosa mong tignan!"
Napayuko na lamang ako dahil sa hiya.
"A-Ano ka ba, hindi noh" tanggi ko "Mas maganda ka kaya tignan sa akin"
Ngumisi siya sa akin bago i flip ang buhok.
"Well I'm flatted, thank you"
Narinig ko namang natawa sila maliban kay Xavier.
"Teka, Empress sino nga pala ang kapares mo?"
Nakita ko namang inismidan niya ako dahil sa biglaan kong tanong.
"Wala!" Aniya "Walang forever!" Singhal pa niya habang masama ang tingin sa mga kuya niya.
Padabog pa itong lumabas at nakatawa lamang na sumunod sa kaniya sila Craigh at Blaire.
"Damn!"
Nanigas ako ng biglang sinabi yun ni Xavier sa akin, naramdaman ko pang niyakap niya ko.
"— Parang ayaw ko nang umalis" bulong pa niya sa aking tenga "Dito na lang tayo, I won't let you go there at pagpiyestahan ng mga gago sa campus. Akin ka lang! Gusto ko ako lang makakita sayong ganyan"
Naramdaman ko naman ang pag init ng aking dalawang pisngi— My god! He's too sweet, pakiramdam ko lalamgamin ako.
Agad akong lumayo sa kanyang yakap dahil sa hiya at hinampas siya sa braso, natawa naman siya sa akin.
"Xavier nga!"
Mas natawa siya sa akin.
"Baby I'm serious, dito na lang tayo" aniya
Napanguso ako sa kanya habang nakatitig sa maganda niyang mga mata.
"Xavier nga! Nu ka ba?! Wag ka ngang KJ!"
Agad siyang lumapit sa akin at niyakap ako sa likod, napangiti na lamang ako.
"Your too beautiful to resist" he whispered to my ears "Kaya nga nahihirapan akong iharap ka sa iba dahil ayoko, dahil akin ka"
Agad akong kumalas sa yakap at pinakatitigan siya.
"Mahal kita, master ko" ani ko
"Mahal dun kita, Venus" he said "And I can't fucking live without you, tandaan mo yan"Naiyak na lamang ako sa tuwa. Hanggang sa nagkatitigan kami ng matagal hanggang unting unti na naglapit ang aming mukha, at dun naglapat ang labi niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Axvy High: School of Bitches and Jerks ✔️
Misteri / ThrillerVenus Cleo Vanvuich, a kind, loving and innocent girl. She pitied herself for transferring to Axvy High where all students have bad attitudes. She transferred because of her bitchy twin sister, Veronica. Believing that she is to blame for their moth...