"Admin A"
Takang-taka siyang napatingin sa akin. Naguguluhan ako? Tauhan ba ni admin A ang lalaking ito o siya mismo ang taong to.
Natatakot ako kung siya nga.
"Huminahon ka muna, binibini" mariing utos nito sa akin
"I-Ikaw si A-Admin A?"Tiningnan niya ko ng napakatagal bago tumango, namutla ako sa sagot niya at agaran siyang hinampas ng patpat na nasa gilid ko lamang.
"Aray! Aray! Ara----Tama na!" hiyaw nito, Ngunit hindi ko pinakinggan
"Nasan ang mga kaibigan ko? Ilabas mo sila!" sigaw ko habang hinahampas siya.
"Aray! M-Masakit y---Tama na! Pakiusap! Mali ka ng yong iniisip!"Napatigil naman ako sa paghampas sa kanya at mariin siyang tinignan ng masama.
"At ano naman ang ibig mo diyan sabihin?"
"Veronica" ani nito at humakbang paatras sa akin.
"Diyan ka lang!" mabilis kong pagpigil sa kanya at tinutukan siya ng baril.Kahit na nanginginig ako at unang beses kong tumutok ng baril sa isang tao ay lubos pa rin ang takot na kumukubli sa aking dibdib, hindi biro itong ginagawa ko.
Ayokong makapatay ng tao.
"Ibaba mo yan pakiusap, Veronica"
"Ayoko" mabilis kong pagpigil sa kanya.Baka sa pagbaba ko ng baril eh ako na lang ang patayin niya, di yon pwedeng mangyari. Mahal ko pa ang buhay ko.
"Veroni----" humakbang ito ng isa patungo sa akin
"Wag kang lalapit!" agad kong ikinasa ang baril, pagkasigaw ko.Napalunok ako ng laway sa kaba. Ito na! At ayoko na talaga sa mga nangyayari.
"Veroni----" hahakbang sana ito
"Sabing wag kang lumapit!" hiyaw ko, at humakbang patalikod
"Veronica, kung ano man ang iniisip mo, mali iyon." Ani nito "Hindi ako siya, ninakaw niya ko"Naguluhan naman ako sa sinabi niya.
"A-Ano?" nanginginig kong tanong dito
Napabuntong hininga naman ito bago ako tignan ng mariin ngunit napakalungkot.
"Ako si Axel Hertzelm" pakilala nito "And yes, I'm Admin A. The creator and foundation of Axvy High"
"A-Ano?"Napabuntong hininga muli siya na parang nauubusan na ng pasensya.
"Veronica, hindi ako siya, ninakaw niya ko. Ang pagkatao ko"
Kumunot lamang ang noo ko sa sagot niya. Anong ibig niyang sabihin?
"Nakita mo na siya?" biglang tanong nito sa akin
"S-Sino?" agad ko ibinaba ang baril
"Admin A" nanggigigil na sagot nito
"Pero di ba sabi mo ikaw si Admin A?" ani ko
"Ako nga" nakangiting ani nito "At hindi gagong namumuno ngayon"
"A-Ano?" di ko ma-gets
"May nagnakaw ng pusisyon ko, Veronica at siya ngayon ang namumuno ng Axvy. Siya ngayon ang Admin A na kinikilala ng mga istudyante ngayon." Nakakunot noong ani nito sa akin at umupo sa sahig, sinamahan ko siya at umupo na rin... "Putang Ina lang! Ginagamit niya ang pangalan ko at wala man lang ako magawa para pigilan yon, dahil nakakulong ako sa putang hawlang to!" sabay suntok niya sa sahig na nagpagitla sa akin. "Nakakagago lang ang mapagpanggap na hayop!"Ibig sabihin, impostor yung lalaking dumakip at kilalang Admin A ng Axvy? Hindi! Hindi to maaari! Hindi yon makatarungan, dapat malinis ang pangalan ng tunay na Admin A.
Pero sino nga ba ang impostor na yon?
"A-Axel I-I m-mean Admin A"
Humarap ito sa akin.
"Istudyante ka ng Axvy hindi ba?" biglang tanong nito sa akin
Tumango ako.
"Pano ka nakapasok sa hawlang ito?"
BINABASA MO ANG
Axvy High: School of Bitches and Jerks ✔️
Mistério / SuspenseVenus Cleo Vanvuich, a kind, loving and innocent girl. She pitied herself for transferring to Axvy High where all students have bad attitudes. She transferred because of her bitchy twin sister, Veronica. Believing that she is to blame for their moth...