AH 59: Escaping the Cage

210 10 3
                                    

"Run!"

Natataranta naman kaming napatakbo lahat papalabas sa pinasabugang pader.

"What the hell?!" Nanlalaking matang sigaw ni Kara, pero gaya namin tumatakbo na rin ito.

Nangunguna sila Empress at Pretzel, sinusundan lang namin sila. My god! I didn't expected this could be happened sooner. No wonder Empress she's really a daughter of a Mafia Lord. Magaling talaga siya sa mga ganito.

"Helena! Yuko!" Gigil na sigaw ni Pretzel.

Nataranta namang yumuko agad si Helena at dun agad nagpaputok ng baril si Pretzel. Napatili na lamang kaming lahat ng may tinamaan itong lalaking nakaitim. Sapul ang bala sa noo. Napasign of the cross pa ko sa nakita, diyos ko!

Hindi naman naka-react agad si Helena sa nangyari dahil namumutla itong nakatingin sa patay na lalaki kaya agad naming siyang hinila ni Emy papatakbo palabas.

"Hindi to totoo! Hindi to totoo!" Wala sa sariling sabi naman ni Kiela habang tumatakbo.
"Well bitch! This is true!" Gigil na sigaw naman ni Pretzel

Namutla lamang si Kiela.

"Lahat kayo! Dun sa gilid!" Utos agad ni Empress

Dali dali ko namang hinila sila Emy at Helena sa may bakal na mesa, itinaob namin yun at dun nagsitago. Sumunod naman sila Pretzel at Empress habang nakikipagbarilan sa mga tauhan ni Gojoki.

"Diyos ko! D-Diyos ko" naiiyak na bulong ni Kiela "M-Mamamatay na t-tayo"

Sinamaan naman siya ng tingin ni Empress bago ibinalik ang tingin sa kalaban.

"Makakaalis tayo dito!" mariing kong sabi, napatingin silang lahat sa akin maliban kila Empress at Pretzel na nakikipagsabak pa sa barilan. "Makakaligtas tayo, sigurado yan. Magtiwala lamang kayo sa kanila"

Ang mga mata nila puno ng takot at kaba ay napalitan ng determinasyon at tapang. Napangiti ako.

"Makakatakas tayo" nakangiting ani ni Emy.

Tumango sa kanya ang mga kasamahang bihag namin.

"Makakatakas tayo sa impyernong toooooo" sigaw ko sabay labas ng aking baril at nakipagsabayan sa pakikipagsabak ng bala sa kalaban.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa akin kung bakit ko ginawa ito. Takot ako sa baril, takot ako sa matatalim at takot ako sa karahasan. Pero ito ako, bumabaril para sa aming kaligtasan.

Medyo nagulat pa sila Empress at Pretzel sa ginawa ko, ngunit saglit lamang yun at nagpatuloy sila sa pakikipag barilan.

"Tara na!" Ani ni Pretzel bago lumabas nang aming pinagtataguan.

Nagsitayo na kami sa aming mga pwesto at muling tinakbo ang tinatakbuhan ni Pretzel, medyo nagulat pa ko na makitang napakaraming tauhan ang nasa labas ng kulungang ito.

"Aaahh!" Tili ni Suzie, sinamaan pa nito ng tingin si Kara, ito pala yung bumaril. "Magsabi ka naman kung babaril ka!"
"Babarilin ka na ng lalaki! Magsasabi pa ko?!" Tawa nito
"The nerve!" Gigil namang sambit ni Suzie bago tinutukan ni Kara at pinaputukan ng baril ang lalaking nasa likod nito
"Fuck!" Tili naman ni Kara

Ngumisi lamang sa kanya si Suzie bilang ganti.

"Your welcome!" Pang aasar nito

Naiiling naman akong natawa habang tumatakbong nakikibagbarilan sa mga nadadaanan naming mga lalaki. This is the first na gumawa ako ng ganito although na hindi ko naman sila napapatay.

Binabaril ko lamang sila sa parte ng katawan nila at si Empress na ang tatapos at babaril sa noo nila.

"Kanan!" Sigaw ni Empress na nasa unahan namin.

Axvy High: School of Bitches and Jerks ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon