AH 36:Mysterious Threat

319 24 6
                                    

Sweet. It is a one powerful word, whenever people feel that there nerves system will had a broke down.

I don't know really if that's true cause I didn't felt that before. Maybe, I felt it? I don't know. I think I'm not ready to it. Can I be sweet? I don't think so, I'm a hell creature from hell school of Axvy High. It seemed that I've change my thoughts but that's not the problem here.

The thing is really really really really really CRAZY.

I don't wanna be involve into some kind of feelings but I can't stop myself from believing.

Believing something like— LOVE!

Is that normal?

"Huy sistah" it's Nixie "You okay?"
"Yeah" tango ko.
"Ahmmm" ani ni Brenda "How's your trip? Andami mong baong pasa at sugat sa katawan, ah"

Ngumiti na lamang ako sa kanila ng alanganin.

"Ganun talaga" lang ang nasabi ko "Hawak ko ang pagiging disgrasya queen eh"
"Not funny, sistah" Pretzel rolled her eyes "You had been almost vanish nang halos dalawang buwan and then ganun talaga lang ang sagot mo sa amin, walang kwento?"
"She's been kidnapped, TAPOS!" Empress hissed "No need for her to detail, baka maalala niya pa ang nangyari, alam niyo namang na-trauma yan."

Nixie pouted.

"Eh curious nga eh" Nixie said "Kaw talaga napaka-kontra bulate mo"
"Sinasabi ko lang, alam niyo namang ibinilin siya sa atin ni supremo at ayaw niyang may kung anong usapan" seryosong saad ni Empress
"Fine!" Nixie "Galit kaagad?"

Umiling-iling lang sa kanya si Empress.

"Ano bang itatago niyo ah?" inis na saad naman ni Rain "Hindi kami gago o tanga para hindi namin malamang may itinatago kayo sa amin! Puta! Ang akala nga namin ay totoo ang mga paratang nila kay Veronica dahil agad-agad siyang nawala pero syempre hindi naman kami naniwala" tumingin pa siya ng masama kay Empress "So Cultfree, spill it"

Tinaasan lamang siya ng kilay ni Empress.

Alam namin na kailangan may tiwala kami sa bawat miyembro ng DMB pero delikado, sa sitwasyon ko pa nga lang alanganin na eh. At tsaka mas magiging maayos ang lagay ng iba kung mananahimik na lamang ako sa akin nalalaman.

"Ahm.. Guys, want some frappes, libre ko" pag-iiba ko sa usapan. Natetense na kasi ako.
"Oh! Me! Me! Me! Me Sistah!" nakangiting sigaw ni Nixie ng nakataas ang kaliwang kamay. "Double Dutch ang flavor ah?"

Tumango naman ako.

"Kayo?"

Tinaasan naman nila ako ng kilay dahil sa tanong ko. Napayuko na lamang ako habang kinukutkot ang aking kuko sa daliri. Sabi ko nga hindi sila madadala ron eh.

"Ano na?" Brenda said "Wala talaga kayong sasabihin noh?"
"Yung frappe?" Nixie pouted "Nagke-crave na tuloy ako"
"Pwede ba, Nix!" singhal ni Rain kay Nixie "Napakauto-uto mo talaga"

Nixie pout more.

"Uy hindi ah" tanggi niya pa "Talaga lang na nagke-crave ako sa malamig"
"Palusot" Pretzel "Oh ano na Empress? Veronica?"
"Ano ba ang gusto niyong malaman?!" inis na sigaw ni Empress "Nakakagago rin kayo ah!" bulyaw niya pa.
"Ang sa amin lang kasi Cultfree, kaibigan niyo kami pero ni hindi man lang kayo magsalita ng kung ano diyan, dinadaan pa sa kagaguhan" nangigigil na saad ni Rain bago umalis ng dorm.

Sumunod naman sa kanya sila Brenda at Pretzel na hila-hila ang nagmumuk-mok na si Nixie.

"Ano ba kasi Pretzel, ililibre nga daw tayo ni sistah Veronica ng frappe tapos nanghihila ka diyan, walang magawa lang?" Nixie.
"Tumigil ka nga sa kagaguhan mo?!" Pretzel. mukhang naaasar na sa kanya "Ako nang manglilibre sayo" pang-uuto naman sa kanya ni Pretzel
"Sige bahala ka"

Axvy High: School of Bitches and Jerks ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon