AH 40: Haunting Dreams

258 20 7
                                    

Wag!'

"WAG!" sigaw ko, napatayo pa ko sa gulat.

Sino ang taong yun?

"Uy!"
"Blaire" ani ko "Nagising ba kita? Sorry"

Tinignan lang ako nito ng masama.

"Obviously?" nakataas ang kilay nitong sabi "What the hell is your fucking dream? Pati ako naiistorbo mo. Wala bang isa pang bed, ang likot mo matulog. Nakakainis" bulong nito.

Madaling araw pa lang kasi at tulog na tulog pa ang mga kasama ko.

"Sorry talaga, Miss Blaire" bulong ko "Tulog ka na lang uli"
"Di na ko makatulog" sabi niya "Kuhanan mo na lang ako ng gatas para makatulog, may hang-over ako. Ansakit pa rin ng ulo ko eh"
"Ah okay sige," at tumayo na ko.

Kinuha ko ang mga boxes at pinagbubuksan ko to, kaso walang gatas ang meron lang ay can foods, noodles, pancit canton, mga chichirya, mga bote ng tubig, at easy and ready to eat foods. The rest? Wala na.

Bumalik ako at nakita kong tulala si Miss Blaire.

"Ansakit nang ulo ko" daing nito habang nakatulala.
"Blaire, sorry wala ng gatas eh. Baka gusto mo tubig na lang" sabay abot ko ng bote ng tubig.

Umiling-iling ito.

"G-Gusto ko ng g-gatas, V-Veronica" naiiyak nitong sabi.

Napabuntong hininga naman ako.

"Higa ka"
"Huh?" napatingin ito sa akin. Nagtataka.
"Sige na higa ka"

Di naman ito nagtanong at humiga na lamang sa kama namin. Lumuhod ako sa gilid ng kama at hinilot ang noo niya, kita kong nagulat siya pero di ko na lamang ito pinansin. Unti-unti ay napapikit na ito.

"Sorry ah? Ito lang ang kaya kong gawin para mawala ang sakit ng ulo mo. Sana kahit papano, gumana" bumuntong hininga ako habang hinihilot siya.

Nakakapagtaka lang kasi parang ibang tao si Blaire ngayon, oo nagsungit siya pero kanina ng wala akong maibigay na gatas sa kanya para na siyang iiyak. Siguro talagang nasanay na siya maging comfort zone ang pag-inom ng gatas kapag masakit ng ulo niya.

"Blaire, masakit pa ba ang ulo mo?" bulong ko habang hilot-hilot ang noo niya.

Di ito sumagot naramdaman ko din na mabigat ang paghinga nito na senyales na tulog na ito, napangiti ako. Success! Napatulog ko siya.

Tumayo ako at dumungaw sa bintana naming na ngayon ay nababalutan ng kahoy para sa proteksyon namin. Sumilip ako sa maliit na butas sa bintana at ganun pa rin ang nakikita ko.

Nakakatakot.

'Pakawalan mo na ko'

"huh?" ano yun?

Pumikit ako at hinilot-hilot ang noo ko.

'Ikaw ito, Venus'

Nanlalaking mata akong napadilat ng marinig ko yun. Guni-guni ba iyon o alaala?.

"Anong ako to?" bulong ko sa sarili.

'Huh? Paano?'

BOSES KO YUN?!

'Dahil ikaw ang nakalaan riyan'
'Sayo nilaan ng mama mo yan'

HINDI! NABABALIW NA KO! PANO KO NARIRINIG ANG BOSES SA PANAGINIP KO?! PAANO?!

'Alagaan mo yan mabuti'

ANG ANO?!

"Ano ang bagay na yun?" tanong ko sa sarili "At sino ang mga tao yun sa panaginip ko?"

Axvy High: School of Bitches and Jerks ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon