"Shit! Malapit na sila!"
Napapikit ako ng marinig ko ang mga malalapit na halimaw na umaalulong sa likod ni Axel. Good thing na mabilis siyang tumakbo kahit na buhat na kami ng anak niya.
Pero hindi eh, pabigat pa rin ako dito. Kailangan ko siyang tulungan. Agad kong hinatak ang pana na nakasabit sa likuran ko, chinempo ko ito bago itutok sa likuran ko. Alam ko sa sarili kong di ako shooter pero magaling naman ako gumamit ng pana.
Tinantya ko ang direksyon at mga pito ang halimaw na humahabol sa amin. Para alien ang itsura at naglalaway ito, bawat nadadaanan ng mga halimaw ay parang nabubutas, don ko lang napagtanto na asido ang mga laway na yun.
"Axel! Malapit na sila!"
"Oo, kumapit lang kayo!"Halos mataranta kami sa mga humahabol sa amin, di ko aakalain na ganito sila karami lahat.
"Huhuhuhu" Iyak naman ni Rainel "N-Natatakot po a-ako Ate, Kuya"
"Shhh" Pagpapatahan ko sa bata "Pikit mo lang ang mga mata mo ah? Kaming bahala sayo"Ginawa naman nito ang sinabi ko. Takbo lang ng takbo si Axel, kita ko sa mga mata nito ang hirap at pagod pero patuloy pa rin ito sa pagtakbo habang buhat kami ng anak niya.
Pakiramdam ko tuloy pabigat lang ako sa kanya.
"A-Axel" bulong ko dito
"A-Ano?!" sigaw nito, humihingal na rin siya
"Bitaw na" bulong ko
"Ano?!" muling niyang sigaw
"Bitawan mo na ko!" sigaw ko, ramdam ko ang pagtulo ng aking luha sa aking mga mata. Natatakot ako "Bitawan mo na ko at itakbo mo na lang si baby Rainel sa malayo, Pabigat lang ako!"
"Hindi! Hindi Veronica!" muli niyang sigaw habang tumatakbo, hinihingal na din ito "Responsibilidad kita dahil istudyante ka ng iskwelahang ito. Sabay tayong aalis! Walang maiiwan, naiintindihan mo!"Dun na tuluyang bumuhos lahat lahat ng aking luha. Tama siya at mali din. Hindi ako istudyante ng Axvy dahil umpisa pa lamang si Veronica ang responsibilidad niya, siya ang tunay at ako ang mali.
Tama siya ngunit hindi niya alam na mali ako. Good Lord. Help me.
"O-Oo" iyak ko sabay bunot ng isang decalibreng baril sa bulsa ko "Para sa Axvy!" sigaw ko sabay putok ng baril sa mga halimaw.
Ipinikit ko lang ang mga mata ko habang pinapaputukan silang lahat ng baril. Naidilat ko na lamang ang mga mata ko ng tumigil si Axel sa pagtakbo, ibinaba ko ang baril. Halos manlaki ang mga mata ko ng makitang naging laway na kulay itim ang mga halimaw.
Napatay ko ba sila?
"A-Anong g-ginawa mo, V-Veronica?" hinihingal na tanong sa akin ni Axel
"H-Hindi ko d-din alam" sagot ko. Napatingin naman ako kay Rainel na nakapitkit na umiiyak "Shhh, Little one, dilat na, okay na wala na ang mga monsters"Dumilat naman ito ng mata at tinignan ang paligid, ibinaba na siya ni Axel habnag ako at buhat buhat pa rin niya sa likod. Humugot ako ng boteng naglalaman ng tubig sa bag ko at binigyan ang mag-ama.
"Salamat" ani ni Axel sabay inom, "V-Veronica, yang h-hawak mo, pwede ko bang mahiram y-yan? Titignan ko l-lang"
"Okay" sabi ko sabay abot sa kanya ng baril.
"Tartarus' Hell" sabi nito habang tinitignan ang hawak na baril
"Huh?"
"A-Alam mo ba kung a-ano to, Veronica?"
"Ahm, Baril. Ano pa ba?"Napailing naman ito sa naging sagot ko.
"This" sabay taas nito ng baril "Sa tagal ko dito sa impyernong ito ngayon ko lang nakita at nahawakan ang bagay na to."
"Bakit ano ba ang halaga niyan?"
"Sa pagkakaalam ko ang baril daw na ito ang sumasagisag sa kamatayan, at lahat ng natututukan ng bala nito ay napupunta sa walang hangganan ng impyerno."
"A-Ano namang walang hangganan yun?"
"Hindi ko alam," ani nito. "Alam mo ba na bihira ang taong makahawak dito, ang sabi pa sa nabasa ko ang baril na ito ay pumipili ng kanyang amo at dahil ikaw ang may hawak, ikaw ang may-ari. Ikaw ang pinili Veronica"
"Huh?" di ko siya maintindihan "A-Anong ako?"
"Hindi ko alam kung san mo nakuha ito pero dahil ikaw ang pinili ng Tartarus' Hell paniguradong tayo talaga ang magiging pakay ng pekeng ako. Matagal ng hinahanap nang mga tao ang bagay na yan"
"Huh? I-Ibig mong s-sabihin ay i-ito ang bagay na hinahanap n-niya"
BINABASA MO ANG
Axvy High: School of Bitches and Jerks ✔️
Misteri / ThrillerVenus Cleo Vanvuich, a kind, loving and innocent girl. She pitied herself for transferring to Axvy High where all students have bad attitudes. She transferred because of her bitchy twin sister, Veronica. Believing that she is to blame for their moth...