"Handa ka na ba, Veroni---I mean Venus pala" tapik sa akin ni Nixie.
Alam na nila ang sikreto ko, sinabi ko sa kanilang lahat, wala akong inilihim at lahat ng bawat detalyeng nangyari sa buhay ko ay inulat ko sa kanila.
Noong una hindi nila matanggap pero sabi nila sa akin tao lang naman daw kami at sino sila para hindi magpatawad.
Isang buwan na rin ang nakakalipas nang makabalik ako rito halos mangamba nga ako dahil ilan sa mga kasamahan namin nakain na ng mga halimaw, halos mabaliw ang ilan sa istudyanteng kasamahan namin sa bawat araw na lumilipas.
Wala na rin kaming sapat na pagkain at tubig para sa lahat tangging ilang pirasong biscuit na lang ang natira. Kaya heto kami, hahanap na pagkain at tubig para sa lahat.
"Okay lang Nixie." Ani ko "At oo handa na ko"
Napanguso lamang siya sa akin bilang tugon.
"Wag ka na lang kaya tumuloy" bulong niya "Delikado, lalo na ikaw lang ang babaeng lalabas"
Ngumiti lamang ako sa kanya at yaon ay agad siyang niyakap.
"Pangako, babalik kami ng ligtas."
Hanggang sa narinig ko ang mumunting iyak ni Nixie.
Napabuntong hininga ako sa lungkot at hinawak ang mga kamay ni Nixie.
"I'm sorry"
Napatingin naman siya sa akin dahil sa sinabi ko.
"B-Bakit?"
Bahagya akong ngumiti.
"Dahil dito" tukoy ko sa aming sitwasyon "Kung hindi dahil sa akin hindi naman mangyayari ito lahat"
Nagulat naman ako ng tinugunan niya ako ng hampas sa braso.
"Wag ka nga!" Aniya "Hindi mo kasalanan to noh! Talagang gago lang yung mag-amang Hades at Death na yun! Naku! Akong papatay sa mga yun eh!"
Natawa naman kami pareho.
"Vanvuich tara na"
Tumango naman ako at lumapit sa kanya at nagpaalam na kay Nixie.
"Another info nga pala" singit ni Vixie "Wag na wag kayong pupunta gym, as I observe mas marami ang mga halimaw dun"
Tumango naman kami.
"...Kung kinakailangan na iwasan niyo ang lugar na yun. Gawin niyo"
Muli kaming tumango sa bata.
"Are you sure na may mga natitira pang pagkain at tubig sa storage ng principal?" Biglang tanong ni Darren
Nanlumo ang lahat ng umiling si Vixie.
"It's just eighty three percent ayon sa calculations ko" sabi niya sa amin
"Eh yung natitirang percent, Vixie?" Tanong koBumuntong hininga siya sa akin bago sumagot.
"That. Possibly na wala nang natirang pagkain"
Nakita ko namang nalungkot ang itsura ng lahat na para bang nawalan sila ng pag-asa.
"Don't give up guys" I said, smiling "Don't lose hope, malaki naman ang percent di ba? Umasa tayo"
Nanlulumong umiling ang mga kasamahang kong lalaki na aalis.
"Masakit umasa"
"Oo nga"
"Wag na tayong umasa!"
"Masasaktan lang tayo kapag umasa tayo!"
"Wag na tayo kamong umalis!"
"Mamatay na lang tayo dito!"
"Wala rin naman tayong laban sa mga halimaw!"
"Tama!"
"Tumigil nga kayo sa mga kaduwagan niyo mga gago kayo!" Gigil na sigaw ni Vixie, napahawak pa ito sa noo na parang kukunsume sa nga kasamahan namin mga Lalaki, maliban kay Darren at Keith na tahimik lamang na nanonood sa nangyayari.
BINABASA MO ANG
Axvy High: School of Bitches and Jerks ✔️
Misterio / SuspensoVenus Cleo Vanvuich, a kind, loving and innocent girl. She pitied herself for transferring to Axvy High where all students have bad attitudes. She transferred because of her bitchy twin sister, Veronica. Believing that she is to blame for their moth...