Chapter 1b

13.1K 264 11
                                        

"WEIRD!"

Mula sa mabilis na pagsusulat sa bluebook ay napatingin si Lizzie sa bumulong na si Neve, ang isa sa dalawang kaibigan at dormmate niya na kaklase din niya sa PI 100. Ngunit bago pa niya matanong kung ano ang ibig nitong sabihin, narinig na niya ang dumadagundong na boses ni Sir Ricci, ang baklang instructor nila.

"I think you're too early for the next class, Ibarra," ani Sir Ricci.

Awtomatikong sinundan niya ang tingin ng instructor kaya nakita niya sa may pintuan ang tinutukoy nito. Alam na niya ngayon kung ano ang sinasabi ni Neve. Hindi niya ito masisisi kung nagulat man ito. Weird nga naman kasi talaga ang nangyayaring iyon. That Ibarra guy was never late.

Alam niya ang pangalan nito - Ibarra Daez, pero iyon lang ang tanging alam niya tungkol dito. Totoong tatlong buwan na mula nang magsimula ang klase nila pero ito na lang ang bukod-tanging hindi niya nakakausap. He was never friendly.

Kapag pumapasok sila sa classroom sa seven o'clock class na iyon ay nakaupo na ito sa madalas na nitong puwesto na pinakalikod na upuan. Malapit iyon sa may bintana at malayo sa lahat na tila ba ayaw nitong makipag-usap. Not that he looked shy or anything. That would be the last word that she would think of describing him. Parang wala lang itong panahon sa kanila.

Kung bakit ito late ngayon, hindi na nila malalaman ang sagot. Hindi naman kasi interesado si Sir Ricci sa mga dahilan nila. Wala itong pakialam. Not that she was interested either. Nakakagulat lang lalo na at first long exam nila ngayon.

"It's seven-sixteen, Ibarra," muling wika ni Sir Ricci. "Nakalimutan mo na yatang alas-siyete ang simula ng klase natin?"

Inayos ni Ibarra ang pagkakaipit ng nag-iisang notebook nito sa kili-kili nito bago tumikhim. "I'm sorry, Sir-"

Itinaas ni Sir Ricci ang kamay nito. "You know the rules, Ibarra."

Hindi niya naiwasang mapangiti sa sinabing iyon ni Sir Ricci. Alam nilang lahat ang parusa sa nali-late. Kailangang kumanta. Walang patawad, kahit first offense. At bawal ang mga kantang ka-level ng Bahay Kubo at Twinkle, Twinkle Little Star.

"I'm sure ang ganda ng boses niyan, guwapo, eh," wika naman ni Gelai, na isa pang kaibigan niya. Dumukwang pa ito sa upuan ni Neve dahil nasa dulo ito. "Stress test 'to sa Victoria's Secret ko, girl!"

"Kadiri ka talaga, Gelai," kastigo dito ni Neve.

"Tumigil na nga kayo," aniya sa mga ito. Hindi naman niya kasi magawang salungatin ang sinabi ni Gelai katulad ng ginawa ni Neve. Tama kasi si Gelai. Mamula-mula pa ang mata ni Ibarra marahil dahil puyat sa kakagimik, kaya late, pero hindi maitatago ang ka-cute-an nito. No, he was not cute! He was mysterious and he was gorgeous in his faded jeans, plain dark blue shirt shirt and black Adidas sneakers. Kahit halatang hindi nito pinag-isipan ang isusuot, kapansin-pansin pa rin ito.

"Pero dahil exam ngayon, sige, excused ka," wika ng instructor.

Sa sinabing iyon ni Sir Ricci, hindi na siya nagulat sa violent reaction ng mga kaklase nila. She knew exactly what everybody felt – betrayed.

"Unfair!" sigaw pa ng isa.

Nanlaki ang mga mata ni Sir Ricci. "Bakit nagrereklamo kayo agad? Hindi pa ako tapos," anito na tila wala nang pakialam kung maintindihan ito o hindi ng kaklase nilang taga-Namibia bago tumingin kay Ibarra. "Makikipag-bargain ako sa 'yo Ibarra. Sa next meeting natin kakanta ka, pero kung mapi-perfect mo ang exam natin ngayon, excused ka." Bumaling ito sa kanila. "Fair enough?".

Isa-isang tumango ang mga kaklase nila. Malamang iisa ang iniisip nila. Iyon ay ang imposibleng ma-perfect ang exam. Karamihan sa mga tanong ay tungkol sa mga important dates daw. Ngayon pa lang ay dalawa na ang nilalaktawan niya dahil sino naman ang makakaalala kung kailan ipinanganak ang nanay ni Rizal na si Teodora Alonzo?

"Fair enough?" muling wika ni Sir Ricci. This time, he was now looking at Ibarra.

Nagkibit ng balikat si Ibarra. "Fair enough, sir," anito sa buo at baritonong boses nito. Inabot na rin nito mula sa instructor ang questionnaire.

Pumalatak si Gelai kaya muli siyang napatingin dito. "Sayang siya. Nagsasalita pa lang nakakakilig na, kaso parang 'di man lang marunong ngumiti."

Sinimangutan ito ni Neve.

"Kagaya lang din 'yan ng ibang mga lalaki. Papaiyakin ang babae."

Tumaas ang isang kilay ni Gelai. "Hindi lahat kapareho no'ng jerk na ex mo," anito.

"Tumigil ka na Angelita," pakli uli ni Neve. "Nakalimutan mo na yata na hindi no'n pumayag si Sir Ricci na i-move ang deadline ng term paper natin kasi nga nag-submit ang kumag na 'yan."

Sa lahat ng ayaw niyang nagiging kaklase ay ang mga taong sobrang grade conscious. Pero alam naman niya kung kailan sila mali. They were out all-night partying kaya hindi sila nakagawa ng paper. Hindi kasalanan iyon ni Ibarra.

"Neve, Kaya nga term paper, may deadline," sabad na niya bago pa magsabunutan ang dalawa.

"What is wrong with you, people!" pigil na ang tili na wika ni Neve. "Natatandaan mo no'ng muntik kang ma-late last week dahil sa kanya? Wala siyang pakisama!"

Alam niya ang sinasabi nito. Last week lang, nagka-countdown na siya sa utak niya dahil ayon sa university rule, dapat ay i-dismiss na sila ten minutes before the time. Pero dahil nakikipag-diskusyon pa si Ibarra kay Sir Ricci, eksaktong alas-otso na sila na-dismiss.

"It's not as as if sobrang relevant pa no'ng topic na pinagdiskusyunan nila. Masasagot ba ng dahilan kung bakit si Rizal ang national hero at hindi si Bonifacio ang kahirapan ng bansa?" litanya pa ni Neve.

Hinawakan ni Gelai ang braso nito. "Wala 'yong instructor ni Lizzie sa next subject no'n, no harm done."

"Gusto n'yo yatang mapalabas, Elizabeth, Angelita, Neverlandia?"

"It's Nevelinda, sir," nakasimangot na sagot ni Neve.

Umingos si sir Ricci na tila ba sinasabi nitong "whatever!"

"Bakla," halatang nagpipigil ng inis na bulong ni Neve.

Siniko niya ito bago iiling-iling na ibabalik na sana niya ang atensyon niya sa bluebook nang mapatingin siya sa gawing kaliwa, malapit sa bintana. Kumurap-kurap siya. Hindi kasi niya alam kung namamalik-mata lang ba siya o talagang nakatingin sa kanya ang lalaking pinag-uusapan nila.

It turned out she was not just imagining. Nakatingin talaga si Ibarra sa kanya. Kung matagal na ba itong nakatingin sa kanya, hindi niya masabi. Baka. At kung kanina pa nakatuon ang atensyon nito sa kanila at kung ibabase sa matiim na pagkakatitig nito sa kanya, isa lang ang ibig sabihin n'yon – malamang naulinigan nito ang pinag-uusapan nila kani-kanina lang.

Bago pa niya mabawi ang tingin niya ay tila balewala na nitong ibinaling ang tingin kay Sir Ricci. Kasabay ng kabog ng dibdib niya, ay hindi niya alam kung saan nanggagaling ang paghihinyang na nararamdaman niya. Marahil dahil hindi pa kasi siya makakabuo ng konklusyon kung singkit ba ang mga mata nito o almond-shaped lang.

techy͐

Endings and BeginningsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon