Chapter 19c

5.5K 142 17
                                    

       

PINATAY ni Ibarra ang makina ng sasakyan nang may makita siyang medyo may edad nang babaeng sumilip sa gate. Umibis siya. 

"Magandang araw, po!"

            "Magandang araw, din, po," pakli nito. "May maitutulong po ba ako sa inyo, amang?"

            Ngumiti siya. "Ako po si Ibarra Daez."

            Sa tingin niya ay bahagyang natigilan ang matandang babae. Itinaas nito ang hintuturo nito na tila nag-isip. "Ibarra? Parang pamilyar ang pangalan mo, amang, pero hindi ko maalala kung saan ko narinig."

            "Sa Noli Me Tangere po."

            Kumunot ang noo nito. "Saan?"        

            Obviously, hindi nito alam kung ano ang Noli Me Tangere. "Boyfriend po ako ni Lizzie." Dati.

            Nanlaki ang mga mata nito. "Boypren ka ni Lizzie? Ni Elizabeth namin?"

            "Opo."

            "Naku, amang, wala siya dito," anito bago nito muling ipinilig ang ulo. "Teka, kung boypren ka nga niya, alam mo dapat na wala siya dito. Bakit dito mo hahanapin? Nasa Manila siya."

            Umiling siya. "Nasa Palawan po si Lizzie ngayon. Sina Mr. Yuzon ang sadya ko. Nand'yan po ba sila?"

            "Ay, nand'yan sila, pero-"

            "Sino yan, Lupe?"

            Napatingin siya sa pinanggalingan ng boses. Kahit sa picture lang niya nakita ang mukha ng daddy ni Lizzie alam niyang ito iyon.

            "Magandang araw, po, Sir," aniya.

            Tumango ito. Lumampas ang tingin nito sa kanya. Diretso sa naka-park na sasakyan niya sa labas. "Magandang araw, din." Nang muli siyang tingnan nito, tila sinisino na siya.

            "Ako po si Ibarra, Sir," aniya. "Ibarra Daez. Ako po 'yong-"

            Nagtagis ang mga bagang nito. "Alam ko kung sino ka," anito. "Ano'ng masamang hangin ang nagdala sa 'yo dito?"

            He almost flinched at those words. Kung hindi siguro siya desidido na gawin ito ay pinanghinaan na siya ng loob. Tumikhim siya. "Sir, nandito po ako para gawin ang isang bagay na noon ko pa dapat ginawa," aniya. Pinunas niya ng daliri niya ang namuong pawis sa noo niya. "Humihingi po ako ng tawad sa sama ng loob na naibigay ko sa pamilya ninyo."

Tumawa ito. Tila nangungutya. "Sabi mo nga, noon mo pa dapat ginawa. Then it doesn't matter anymore. Tinanggap namin si Lizzie nang walang tanung-tanong. Kung ginagawa mo ito ngayon dahil binabagabag ka ng konsensya mo o dahil natatakot ka sa karma, forget it. Wala kaming pakialam sa 'yo. Makakaalis ka na." Tumalikod ito at nagsimula nang maglakad pabalik sa bahay ng mga ito.

            Bago siya nagpunta dito kanina, alam niyang hindi magiging madali ang pagkausap niya sa daddy ni Lizzie. Pero nakahanda siyang humarap. Ito ang tama. Ito ang dapat. 

            "Hindi lang po 'yon ang ipinunta ko dito," aniya at bago pa ito makapagsalita ay dinugtungan na niya iyon. "I'm here to ask for your blessing, sir."

            Tumigil ito. Lumingon bago muling naglakad palapit sa kanya. "Blessing?"

            "Tungkol po sa aming dalawa ni Lizzie. Gusto ko pong kayo muna ang makausap ko bago ko sabihin sa kanya," aniya. "Lizzie and I... we  just got back together, sir." Hindi na niya sinabi na kakahiwalay lang din nila.

Pinandilatan siya nito. "Dapat ko bang ikatuwa 'yan?"

            "Wala po akong anumang inaasahan bago ako nagpunta dito. Pero gusto ko lang pong malaman ninyo na malinis ang intensyon ko sa anak ninyo. Wala po akong ibang gustong gawin kundi ang pakasalan siya. That is if she will have me." Ayaw siyang pakasalan ni Lizzie. Pero nakahanda siyang manligaw hanggang mapapayag niya ito.

            "Alam ba ni Lizzie na nandito ka?"

            Umiling siya.

"Kung babarilin pala kita ngayon at ililibing sa likod ng bahay namin ay walang makakaalam."

"Wala, sir," aniya. Hindi na lang niya sinabi na may GPS tracker ang sasakyan niya. The device was something his mother had begged him to secure. 

Tinitigan siya nito. Tila sinusukat nito ang pagkatao niya. "Paano ka nakakasiguro na ibibigay ko ang hinihingi mo?"

            "Hindi po ako nangangako ng kahit ano. Ang kaya ko lang pong sabihin sa inyo ngayon ay mahal na mahal ko si Lizzie. More than anything else in this world."  

            Tinitigan siya nito. Tila inaarok kung totoo ba ang sinasabi nito.

            Muli niyang ipinunas ang likod ng kamay niya sa pawis sa noo niya. Dapat yata talaga hindi siya nagpunta dito nang mag-isa. Tinatakot na nga siya, dagdag na torture pa ang pagpapaaraw sa kanya.

            Tumikhim ito. "Pumasok ka," anito. Binuksan nito ang gate. "Ipasok mo ang Lexus mo. Baka ma-carnap."

***

Endings and BeginningsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon