"WHY didn't you tell me, Luke?" hindi na maitago ni Lizzie ang frustration sa boses niya.
"Sabi naman kasi ni Kleggy magbabahag lang ako at aarte ng konti," katuwiran nito.
Napabuga siya ng hangin. Hindi niya sukat akalain na magkakaroon pa sila uli ng malaking problema. Hindi marunong lumangoy ang Lam-ang nila.
Nakatakda pa namang kunan ang eksenang pagsisid nito sa tubig kinabukasan.
Akala niya noon ay tapos na ang problema nang makilala nila si Luke. Mestizo ito pero kaya na ng make-up na gawin itong kayumanggi. Hindi na rin siguro mapapansin ng instructor at classmates nila na masyadong malalaki ang mga muscles nito dahil babad sa gym. O puwede rin namang mapansin but in a good way. Okay na rin sa kanya na hindi ito mukhang matapang. He was not exactly what she had in mind when they were conceptualizing but she did not have any choice.
Pero ang hindi ito marunong lumangoy...
"I'm sorry, Lizzie."
Nagbuga siya hangin. "Okay, bukas na lang natin 'yon kukunan," aniya. "Turuan muna kita."
Nanlaki ang mga mata nito. "Ikaw ang magtuturo?"
"I'm quite good at it," aniya. "Swimmer ako noong high school."
"Hindi ba nakakahiya?"
"Wala tayong choice, Luke. And the sooner we start, the better."
"If you insist," anito na lumusong na sa tubig. "But I must warn you Lizzie, kahit basic hindi ako marunong."
Lumusong din siya sa tubig. "'Hawak ka muna sa waist ko para sa mas malalim tayo."
Tumalima ito. "Sure kang okay lang sa 'yo?"
"Wala akong choice, Luke."
Ilang sandali pa ay binibigyan na niya ito ng instructions. Ginagawa naman nito ang sinasabi niya. Sa tingin naman niya ay willing talagang matuto si Luke. Todo ang concentration nito sa pagkampay.
"Ano'ng meron?"
Hindi pa man lumilingon si Lizzie ay alam na niya kung sino ang nagsalita. Awtomatikong napangiti siya. Ngiting napalis din nang makita niyang salubong ang kilay ni Ibarra.
Umahon siya. "I'm teaching Luke how to swim," aniya nang makalapit siya dito. "Matututo naman siguro siya hanggang hapon 'no?"
Sa tingin niya ay malapit nang magkabuhol ang mga kilay ni Ibarra. "Maghapon mong tuturuan? Nang ganyan ang hitsura n'yo?"
"Yeah, kahit basic lang."
"Hindi puwede!"
Napakunot siya ng noo. "Bakit?"
Tingin niya ay sandaling natigilan si Ibarra na tila nag-isip ng isasagot ngunit bago pa niya pansinin iyon ay muli na itong nagsalita. "Eh, 'di langoy aso lang ang matututunan niya kung basic. Hindi maganda kung langoy aso si Lam-ang."
"Wala na kaming time na maghanap pa ng ibang Lam-ang," aniya. "Isa pa, may na-shoot na kaming scenes."
"Ako na lang ang sisisid," ani Ibarra.
Nalaglag ang panga niya.
"I-edit n'yo na lang para mapalitan ang mukha o iayos ang camera para hindi makita ang mukha," anito. "Kaya n'yo naman 'yon 'di ba?"
Nalulon na yata niya ang dila niya. "I-I'm not sure," aniya nang magawa niyang magsalita. "I-I would have to ask Kleggy first kung kaya niya."
"Puwes, kailangang kayanin n'ya," anito. "Ano'ng gagawin ko?"
"Marunong ka ba ng breaststroke?"
"Magaling ako sa breaststroke."
"Good! I'd-" naputol ang sasabihin niya. Napansin kasi niya ang pagguhit ng ngiti sa mga labi nito. She mentally replayed what had transpired from the conversation that must have elicited that weird reaction.
Nanlaki ang mga mata niya. "Bastos ka, Ibarra," aniya na itinulak ito.
Tumaas ang isang kilay nito. "May sinabi ba ako?" In all honesty and fairness, he really looked innocent.
O siya lang ba ang may hindi magandang iniisip? Nag-martsa siya palayo. Ramdam na ramdam niya ang pag-iinit ng mukha niya. "Ewan ko sa 'yo!"
ʎ
BINABASA MO ANG
Endings and Beginnings
Storie d'amoreAyon sa mga kaibigan ni Lizzie, mahirap mahalin ang isang lalaking tulad ni Ibarra na guwapo, matalino, pero mailap. Subalit hindi niya alintana iyon. Hinayaan pa rin niya ang sariling mahulog kay Ibarra. Everything was perfect, until Ibarra's dr...