"BILIS, Kleggy, nakakahiya sa kanila," wika ni Lizzie kay Kleggy. Sa sobrang hinhin nitong kumilos, nahuli na naman ito. Lahat sila ay bihis na at tanging ito na lang ang hinihintay. Usapan nila na dapat bago mag-umaga ay nasa south superhighway na sila dahil pare-pareho silang may klase.
Pero hindi ang klase niya ang iniisip niya kaya minamadali si Kleggy. Kanina pa niya gustong bumaba. Gustung-gusto na niya kasing makita si Ibarra pero nagpapahintay naman sa kanya si Kleggy.
Pinigilan niya ang mapangiti. Last night, Ibarra gave her her first ever kiss. At ayon dito, girlfriend na daw siya nito. Sa isiping iyon ay tila itinatahip ang dibdib niya. And just knowing that she was about to see him in a few minutes enveloped her heart with warmth.
Nang makita niyang, isinasara na ni Kleggy ang bag nito ay nagpatiuna na siyang lumabas ng pinto. Kanina pa ibinaba ni Ibarra ang bag niya.
Nang nasa taas na siya ng hagdan, agad na hinanap ng mata niya si Ibarra. Hindi na niya napigilan ang mapangiti nang makita niya ito katabi ng mama nito. Parehong nakatingin ang mga ito sa kanya. Parehong nakangiti.
Agad siyang lumapit sa mama nito nang makabaa siya. "Salamat po sa warm accommodation, tita," aniya. "Pasensya na po kayo, medyo nanggulo kami."
Hinawakan nito ang braso niya. "Ano bang nanggulo ang sinasabi mo," aniya. "Pinasaya n'yo ang weekend ko. 'Balik ka agad, ha?"
Gut feel told her that Ibarra's mother knew something. Nang matapos ang prom kagabi at lumapit ito sa kanila, hindi ito pumayag na sa likod siya umupo. Kasya daw silang dalawa sa passenger seat dahil pareho daw silang sexy. Pinagitnaan siya ng mag-ina kaya sa tuwing humahawak si Ibarra sa kambyo, pasimple nitong hinhawakan ang kamay niya.
Marahil napansin iyon ni Tita Doris. Nagtatanong ang mga matang sinulyapan niya si Ibarra.
Tumango ito. "Mama's boy ako," bulong nito.
Awtomatikong nag-init ang pisngi niya. Nakaramdam siya ng hiya sa mama nito. Kina Kleggy nga lang nahihiya na siyang ipasabi sa mama pa nito?
"Okay lang 'yan, anak," wika ng mama nito sa kanya. Salamat, pinapasaya mo ang anak ko. Come back again soon, okay?"
Humalik siya sa pisngi nito bago yumakap. "Promise po."
Nang bitawan siya nito ay si Ibarra naman ang humalik dito. "Bye, 'Ma," anito. "Huwag kang magpapagod."
"Okay, basta promise me na hindi mo papaiyakin si Lizzie."
"Ma, nahihiya na si Lizzie, tigilan mo na siya."
Sumabay ito sa paglakad sa kanila papunta sa van. Dumiretso siya sa dati nilang upuan ni Kleggy, sa bandang gitna ng van. Kasunod niya si Kleggy.
"Kleggy, dito ka na lang sa harap, naiinis ako 'pag baba ka nang baba, eh," wika ni Ibarra kay Kleggy nang akmang tatabi ito sa kanya. "D'yan na lang ako sa puwesto mo. Matutulog ako. May klase ako maghapon mamaya."
Pinigilan niya ang mapangiti sa sinabi ni Ibarra. Obviously, he wanted to sit beside her.
"Ay kainis naman," wika ni Kleggy na muling tumayo. "Tara, Lizzie, d'yan daw tayo sa harap."
Inaasahan naman niyang sasabihin iyon ni Kleggy pero nag-panic pa rin ang kalooban niya. Mula nang magkaigi sila ni Ibarra kagabi, hindi pa sila nagkakausap. At ipokrita siya kung sasabihin niyang hindi niya ito gustong katabi. Pero kung paano niya sasabihin iyon ay Kleggy, wala siyang ideya. She looked at Ibarra helplessly.
BINABASA MO ANG
Endings and Beginnings
RomanceAyon sa mga kaibigan ni Lizzie, mahirap mahalin ang isang lalaking tulad ni Ibarra na guwapo, matalino, pero mailap. Subalit hindi niya alintana iyon. Hinayaan pa rin niya ang sariling mahulog kay Ibarra. Everything was perfect, until Ibarra's dr...