Chapter 8c

5.6K 76 0
                                    

Kumabog ang dibdib niya nang makita ang tatlong tangke na nakabalandra sa harapan ng MRT station. Totoo ang sabi ng boss nila, wala pang media people. Sila ang nauna.

"Ano'ng gagawin ko?" tanong niya kay Dondon.

"Mukhang 'yon ang leader," anito na inginuso ang isang naka-full battle gear. "Siya ang kausapin mo."

Magkakahalo ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Takot, kaba, excitement. "Paano kung hindi ako kausapin?"

"Gamitan mo ng charm," ani Dondon.

Humugot siya ng malalim na hininga. "Kaya mo 'yan, Lizzie," paulit-ulit na bulong niya sa sarili niya.

Hawak ang mic, lumapit siya sa itinuro ni Dondon. Nabasa niya sa nameplate nito ang Ragsac DL na pangalan nito. He was a major. Sa tingin niya ay wala pang forty years old ito.

"Sir, I'm Lizzie from SFBN," aniya. Hindi siya sigurado kung ganoon ba dapat ang sabihin pero wala siyang magawa. It was her first time. "Nakatanggap po kasi kami ng information na may nagaganap daw na paga-aklas dito. What is it about, sir?"

Parang tinambol sa kaba ang dibdib niya nang titigan siya ni Major DL Ragsac. Mali ba ang tanong niya? Itataboy na ba siya ito? Patay siya sa boss nila 'pag nagkataon.

Sa takot na mapagalitan, lumakas ang loob niya. "Sir?" muling untag niya. Sa gilid ng mata niya ay nakita niyang itinutok ni Dondon sa kanila ng sundalo ang camera.

"We are taking over this MRT station," walang kagatul-gatol na wika nito. "Masyado nang talamak ang pangungurakot ng mga opisyal ng Armed Forces. Kailangang nang may mag-expose."

"Pero bakit dito, sir?" muling tanong niya. If that was a relevant question, she did not have any idea. Sinusundan na lang niya ang instinct niya.

"Dahil gusto naming makita kung ano ang gagawin ng gobyerno natin para sa mga karaniwang mamamayan. Mga mamamayang kinakailangang araw-araw na makipagsiksikan sa mga tren para lang makarating sa trabaho. Samantalang ang mga matataas na opisyal ng gobyerno ay magagara ang mga sasakyan."

Kahit hindi niya lubos na maintindihan ang sinasabi nito, mabilis uli siyang nag-isip ng itatanong dito. Tila napaisip ito nang itanong niya kung bakit sa istasyon na iyon lang nagbarikada ang mga ito. Hindi nga yata nito naisip na posibleng hindi rin maantala ang operasyon ng lahat ng tren dahil puwedeng bumaba sa Quezon Avenue ang mga tao.

Nang sa tingin niya ay sapat na ang nakuha niyang impormasyon, lumapit na siya kay Dondon. Nagpakuha siya ng footages ng mga sundalong walang kangiti-ngiting nagbabarikada sa hagdan.

"What now?" aniya kay Dondon. Ngunit bago makasagot si Dondon ay nag-ring ang cellphone niya.

"Hello, ma'am," aniya. "May mga nakuha na po akong-"

"Listen, Lizzie," putol nito sa sasabihin niya. "Medyo malayu-layo pa ako. Bago siguro ako makarating d'yan, nakaamoy na ang ibang networks."

"Ma'am, kami pa lang po ang-"

"Any moment, nand'yan na sila. Kailangang mauna tayo," anito. "You go live."

Nanlaki ang mga mata niya. "Live?" nahihintakutang wika niya. Ano ang malay niya sa pagri-report sa harap ng camera? Sa school pa lang niya naranasan iyon. At ibang-iba sa tunay na buhay. "Ma'am Tina, I can't! I-"

"Wala tayong choice," putol nito sa pagtutol niya. "You've been in the newsroom for like what, nine months already. Kaya mo 'yan."

Pero paano kung manginig siya? Paano kung matulala siya? "But ma'am-"

"Let me talk to Dondon," putol na nito sa protesta niya. "I'll give him instructions."

Nanghihinang iniabot niya kay Dondon ang cellphone. Puro "yes ma'am" na lang ang narinig niya dito.

May iniabot ang isang crew sa kanya. Ilagay daw niya iyon sa tainga niya. That would be her connection to the studio. Ilalabas ang report niya bilang Breaking News.

"Ready?" ani Dondon na ipinatong na sa balikat angcamera.:falses<�L'��

Endings and BeginningsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon