MABILIS na umibis si Ibarra mula sa pick-up nang sa wakas ay makahanap siya ng espasyong mapag-iiwanan niyon. Nagda-drive na siya pauwi nang marinig niya sa radyo ang boses ni Lizzie. Nilakasan pa niya ang volume dahil hindi siya makapaniwala sa naririnig. Kung paanong bigla itong nasa field gayong desk job ang trabaho nito sa SFBN ay hindi niya alam. His heart however swelled with pride.
Pero nayanig ang buong pagkatao niya sa sumunod na narinig - ang pagputok ng baril, tapos ay nawala si Lizzie sa ere. Literal na tumigil ang mundo niya dahil doon. Sa pagkagulat niya ay tumigil siya sa gitna ng SLEX. Wala na siyang pakialam sa naglalakasang busina sa kanya.
Isa lang ang nasa utak niya – kailangang mapuntahan niya ito.
Medyo malayu-layo pa ang North Avenue station ng MRT. Binilisan niya ang mga hakbang. Kitang-kita na niya ang OB van ng SFBN. Sigurado siyang nandoon si Lizzie sa malapit niyon.
He was right.
"Lizzie!"
Natigilan ito, luminga-linga. Pumitlag ang puso niya nang ngumiti ito. Habang naglalakad siya palapit dito ay tinatanggal niya ang suot na jacket. Isinampay niya iyon sa sa balikat nito bago niya niyakap.
"Paano mo nalamang nandito ako."
Bahagya niya itong inilayo "Narinig kita sa radyo."
Nanlaki ang mga mata nito. "Napakinggan mo ang report ko? So how was it?"
Hinaplos niya ang mukha nito. "Honestly, wala akong naintindihan ni isang sinabi mo," anito.
Napangiwi ito. "That bad?"
"Hindi 'yon," aniya. "Paano kung sa 'yo tumama kanina 'yong bala? Paano kung sumabog ang mga granadang nakasabit sa balikat n'ong isang 'yon?" Inginuso niya ang isang sundalo. "Kung may sakit lang siguro ako sa puso inatake na ako nang bigla kang tumigil sa pagsasalita pagkatapos no'ng putok,"
Ngumiti ito. Hinaplos nito ang mukha niya. Madalas nitong ginagawa iyon kapag kunot ang noo niya. It was her way of telling him to slow down. Kung sabagay, ramdam rin niya ang tensyon sa mukha niya.
"Dapat masanay ka na," anito.
Nagsalubong ang mga kilay niya. "Meaning?"
"Nagustuhan daw nina Ma'm Tina."
"Reporter ka na?"
"'Ata?"
Natatawang hinawakan niya ang baba nito. "'Yon ba ang gusto mo?" masuyong tanong niya.
Tiningala siya nito. "I wanna give it a try," aniya. "Are you okay with it?"
Tinitigan niya ito. Alam niyang araw-araw siyang kakabahan sa tuwing nasa labas ito. Pero hindi kaya ng puso niya na pigilan ang professional growth nito. Ngumiti siya. "I'm with you all the way, babe," aniya na ginagap na ang mga kamay nito bago dinala sa mga labi niya at hinalikan ang mga iyon. Inakay na niya ito papunta sa sasakyan niya.
"So, ano naman ang naramdaman mo sa first time mo na pagharap sa camera?" tanong niya nang nasa loob na sila ng sasakyan.
Namilog ang mga mata nito. Kitang-kita rin ang ibayong kislap sa mga iyon. "Honestly, Ibarra, this experience... the adrenaline rush... it's like... it's like being kissed by you the first time."
Ipinilig niya ang ulo. "Should I take that as a compliment?"
Ngumiti ito na tila may naalalang nakakatuwa bago tumango. Tumango ito nang tumango.
BINABASA MO ANG
Endings and Beginnings
RomantiekAyon sa mga kaibigan ni Lizzie, mahirap mahalin ang isang lalaking tulad ni Ibarra na guwapo, matalino, pero mailap. Subalit hindi niya alintana iyon. Hinayaan pa rin niya ang sariling mahulog kay Ibarra. Everything was perfect, until Ibarra's dr...